the bham!
Full Member
...LING XIAOYU...
Posts: 323
|
Post by the bham! on May 3, 2008 22:40:31 GMT 8
ICEN VILLAZANTA"You can be the next Hitler for all I care. Kung iyon ang gusto mo, fine... Just let me stay with you. And let me love you with all my heart, for the rest of my life."Bata pa lang sina Kassandra at Ice nang ipagkasundo sila ng kani-kanilang mga ama dahil sa isang insidente sa kanilang paaralan. They grew up living separate lives. Nagkaroon din naman kasi sila noon ng kasunduan na walang sinuman ang makakapagdikta sa kanila sa kung sino ang pipillin nilang mahalin at makasama habang-buhay. Ngunit kapag nariyan ang pinakamamahal nilang mga ama, kailangan nilang magpanggap. Hanggang sa isang araw ay nilapitan siya ni Ice. "I want you to meet Erica." "Why?" "'Cause I'm gonna ask her to marry me." Ngumiti lang siya. Pero sa loob-loob niya, nasasaktan siya. Dahil noon pa mang mga bata sila, minahal na niya ito.
|
|
|
Post by `suMMerfieL- on May 21, 2008 9:46:04 GMT 8
calle pogi 1: buwi Kelly hated playboys. Kaya nga mainit ang dugo niya sa kapitbahay niyang si Buwi. Paborito niyang ireklamo ito sa barangay nila for indecent display of a killer body. Yeah, well, it was true. He had a killer body. Anyway, hot bod aside, she didn’t like him. Pero ano itong nararamdaman niya tuwing nakikita niyang nakikipag-usap at nakikipagtawanan ito sa mga babae? Naiinis siya. Gusto niyang sabunutan ang mga iyon at ibalot naman ng makapal na tela si Buwi. Ibig bang sabihin niyon ay nagkakagusto na rin siya sa isang playboy? But she hated playboys… calle pogi 2: waki Idol ni Jazzy ang kanyang kuya. Kaya na-disappoint siya nang bigla na lamang nitong iwan ang trabaho nito para maging kapitan ng isang maliit na barangay sa Laguna. Sinundan niya ito para kumbinsihin ito na magbago ang isip. Doon niya nakilala si Waki. Sa simula pa lamang ay bad trip na siya rito. Nayayabangan siya rito. Pero dahil sa isang aksidente ay napilitan siyang maging alalay nito sa loob ng isang buwan. She expected one month of torture. Pero taliwas doon ang nangyari. Sa halip na siya ang maging alalay nito ay ito ang laging nakaalalay sa kanya. Feeling yata nito ay knight in shining armor ito at damsel in distress siya. Kung type nitong maging alalay, pagbibigyan niya ito stallion 34: rozen Nang balikan ni Ada ang unang araw na magkaharap sila ni Rozen Aldeguer, ang lalaking crush niya, wala siyang nakitang anumang romantic doon. Nakakahiya ang pangyayaring iyon, kaya¡¯t mas gusto niyang kalimutan na lang iyon. Ngunit binawi rin niya ang sinabi niya sa sarili na dapat ay makontento na lang siya sa paghanga sa mga lalaking katulad nito. Kahit naging magulo ang kinalabasan ng bawat pagkikita nila, ng kuwento nila, hind pa rin niya ipagpapalit ang lahat ng iyon kahit pa sa pinakatahimik at pinakamatiwasay na pamumuhay sa mundo. Because she discovered Rozen's other side. His more lovable side
|
|
|
Post by `suMMerfieL- on May 27, 2008 23:17:10 GMT 8
Stallion Series 36: Cloud Montañez by Sonia Francesca Para kay Polly, si Ian Jack ang number one sa puso niya. At kung liligawan siya nito, tatanggapin niya ang pag-ibig nito nang buong puso. Iyon ang gagawin niya kahit pa sa tuwing nakikita niya ang larawan ng mga Stallion boys, lalo na ang kay Cloud Montañez ay hindi niya mapigilang mapangiti. Ito kasi ang may pinakamagandang mukha sa lahat. Pero hindi naman iyon ang mahalaga—dahil ayaw naman niya rito. Masungit kasi ito, at sa kanya lang. Hanggang isang araw, na-realize na lang niyang ang lalaking inakala niyang mahal niya ay hindi pala niya mahal. At ang lalaking inakala niyang ayaw niya ay minamahal nap ala niya. Whoever said that falling in love was easy? **************************************************** Calle Pogi Series 5: Haru by Sonia Francesca Umuwing pilay ang sikat at guwapong news and documentary reporter na si Haru Esteban mula sa assignment nito sa kaguluhan sa Afghanistan. Sanay na si Fara sa mga ganoong sitwasyon ng binatang kaibigan at kapitbahay niya. Parang naging ritwal na sa kanila na tuwing uuwi itong sugatan dahil sa trabaho nito ay siya ang nag-aasikaso rito. Harmonious. Iyon ang matatawag niya sa relasyon nila. Nagulo lamang iyon nang mag-umpisang magpakita ito ng mga senyales na higit pa sa kaibigan ang tingin nito sa kanya. Dahil mabilis namang maka-pick up ang puso niya at may lihim siyang pagmamahal dito ay nagtapat siya ng pag-ibig dito. Pero hindi ang inaasahan niya ang naging tugon nito. “Thanks for the feelings, Fara.” Ganoon lamang ba iyon? Paano na ang puso niyang binulabog nito?
|
|
|
Post by `suMMerfieL- on Jun 6, 2008 9:42:13 GMT 8
aNg bAgOng pAtiKim ni aTe cHe,,, pResEntIng... PHR 2850: " For The Love Of Julie" by Sonia Francesca kuNg naALaLa nYo pA aNg bAndAng sEntiNeL sA cRazy LiTtLe tHinG caLLeD LovE at aNg aLbuM niLa nA "foR tHe LovE oF sAsSa",, e2 nA aNg sToRy nG iSa p niLanG mEmbEr nA si LANCER... FOR THE LOVE OF JULIE Bisperas ng ikadalawampu’t walong kaarawan ni Julie nang humiling siya sa Diyos ng isang regalo. “Isang lalaki po na mamahalin ko. At kung pwede po sana, mabait at guwapo siya. Puwede rin pong mayaman siya at may magandang kotse para puwede niya akong ihatid-sundo sa opisina ko araw-araw.” Afterwards, she went out for a walk. At nagkabanggaan sila ni Lancer na ikinatumba niya. Walang kaabug-abog na pinasan siya nito para dalhin sa ospital. Pero nagulat siya nang pagkatapos siyang ideposito nito sa sasakyan nito ay basta na lamang siyang hinalikan nito. “Happy Birthday, Julie Anne,” sabi nito kapagkuwan. He was her first kiss. Could he also be the first man she would ever love? Pero ayaw niya rito. Hindi ito pasado sa standards niya para sa isang lalaking mamahalin niya. Ngunit bakit ganoon? Bakit parang iba naman ang sinasabi ng kanyang puso? Something was wrong with her heart...
|
|
uzzaper si alyssa
Full Member
pipol h8 me coz im a hartbrker liar. dey nver knew s dat b4 i bcme dis d**n me somebody broke me too
Posts: 522
|
Post by uzzaper si alyssa on Jun 11, 2008 12:52:21 GMT 8
PHR 2853 For The Love Of Myla by Sonia Francesca Hinahangaan ni Myla ang bandang Sentinel maliban sa isang miyembro niyon--ang playboy na bass guitarist na si Jaycob Zamora. Maganda na sana ang imahe ng banda sa kanya kung hindi lang dahil dito. Sa kasamaang-palad, sa isa sa mga performances ng mga ito ay di-sinasadyang napunta sa kanya ang cell phone nito. Pinagbintangan siya nitong magnanakaw at ipapakulong daw siya nito. Kahit anong paliwanag niya ay ayaw nitong pakinggan. Naiyak na siya dahil sa nalalapit na pagkasira ng kanyang buhay. Laking pagtataka niya nang biglang nagbago ang isip nito. “Para iyon lang, umiyak ka na. Oo na, oo na.” He reached out a hand and gently brushed away the tears on her cheeks. “Huwag ka nang umiyak. Hindi na kita ipapakulong.” Ano ang nakain nito? Bakit biglang bumait ito?
|
|
|
Post by `suMMerfieL- on Jul 17, 2008 15:31:59 GMT 8
Stallion Series 39: Hans CervantesMatagal nang pangarap ni Nissa Jean na makita nang personal ang hinahangaan niyang si Rozen Aldeguer, ang lalaking lihim niyang iniibig. Pero dumating sa buhay niya si Hans. In him she found an enemy, a companion, a stress reliever, a punching bag, a listener, a friend... and someone she could love for real. Ngunit si Rozen ang unang nagustuhan niya at minahal; si Hans naman ang unang lumapit sa kanya... at nagmahal. Mas masarap bang mahalin ang lalaking nasa harap na niya o mas matamis ang pag-ibig kung makukuha niya ang lalaking kanyang pinangarap.
|
|
|
Post by len on Jul 21, 2008 18:30:42 GMT 8
STALLION SERIES # 40: BAXTER SAAVEDRA Baxter Saavedra had all the right ingredients to be the perfect hero in a romance story or real life. Kung hindi lang siguro sa ugali nitong hindi ma-gets ni Michi, baka nagamit na niya itong hero sa mga nobelang isinusulat niya. At aaminin niya, minsan sa buhay niya ay nagkaroon din naman siya ng lihim na pagsinta rito. Wala naman talaga siyang planong pansinin ito kung hindi lang ito ang unang lumapit sa kanya. He treated her like a lady. He made her feel special. He made her fall for him. Ngunit nang magkaroon siya ng pagkakataon na ipahayag ang kanyang damdamin dito, bakit bigla na lang lumayo ito sa kanya?
|
|
|
Post by len on Jul 29, 2008 23:26:16 GMT 8
HELLO, LOVE... ONCE AGAIN Four years after na mabigo si Kookie sa isang pag-ibig ay bumalik siya sa bansa at nagtayo ng isang learning center for kids. Everything was doing fine until she realized that her neighbor just across the spaceous parking lot of the business complex they were in, was a bar and restaurant owned by none other than the very person who broke her heart four years ago. Si Jairus. Sinabi niya sa kanyang sarili na hinding-hindi na siya muling iibig pa. Ngunit natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na muling nagmamahal sa lalaking siya ring naging dahilan ng pagluluksa niya sa pag-ibig. `Cannot be! `Cannot be! sigaw ng isip niya. Ang kaso, makinig naman kaya ang kanyang puso?-------------------------------- cover and teaser from: Ms. Jen of PHR Forum
|
|
|
Post by len on Aug 12, 2008 21:10:07 GMT 8
Let Me In Your Heart Xycie was turning twenty-eight pero magulo pa rin ang utak niya. Tila walang patutunguhan ang kanyang buhay. Ayaw na rin niyang pamahalaan ang furniture business ng pamilya nila. Hanggang sa magpasya ang kanyang mga magulang na isara na lamang iyon. Matutuwa na sana siya pero biglang umentra sa eksena si Jethro, her brother-in-law’s estranged brother. Nag-request ito na sa kompanya nila mag-training. Ang dating magulo na niyang utak ay lalong nagulo, lalo na sa tuwing makikita niya ang guwapong mukha nito. Bigla ay ayaw na niyang magsara ang kompanya nila. Sa pamamagitan lamang niyon niya makakasama palagi si Jethro. Ang kaso, ayaw pumayag ng kanyang mga magulang. Ngayon ay may dalawang bagay siyang dapat patunayan: una, na karapat-dapat siyang bigyan ng ikalawang pagkakataon ng kanyang mga magulang na pamahalaan ang kompanya nila; pangalawa, ang patunayan kay Jethro na siya ang babaeng itinakda para dito. Mapagtagumpayan kaya niya ang mga iyon?
|
|
|
Post by len on Aug 20, 2008 21:12:42 GMT 8
For The Love Of Hellene Minsan na siyang sinaktan ni Raijin kaya ayaw nang magtiwala uli ni Hellene dito. Wala siyang balak na patawarin ito kahit paulit-ulit pa itong humingi ng tawad sa kanya. Pero sa walang-sawang panunuyo nito at walang-tigil na pagdedeklara nito—saan man naroroon ito—na mahal na mahal pa rin siya nito ay unti-unti nang natitibag ang yelong nakabalot sa kanyang puso. Ngunit kailangan niyang magpakatatag. Hanggang kailan kaya ang itatagal niya bago tuluyang sumuko ang kanyang puso?
|
|
|
Post by len on Sept 3, 2008 19:00:14 GMT 8
Stallion Series 43: Ricos Caderao Magkasintahan sina Genil at Ricos. Para kay Genil, si Ricos lang ang tanging lalaking nakikita ng kanyang puso. Ngunit nang kapwa sila malagay sa isang alanganing sitwasyon, halos kamuhian nila ang isa't isa. Dalawang taon silang namuhay na may galit sa kanilang mga puso. Dalawang taong iwasan at pagpapasakitan... Inakala ni Genil na kayang-kaya niyang kontrolin ang kanyang damdamin. Pero kapag kaharap na niya si Ricos, wala siyang magawa kundi ang mahalin ito.
|
|
|
Post by len on Sept 30, 2008 18:34:12 GMT 8
Take My Love Nagbakasyon si Maja sa probinsiya kung saan naninilbihan ang tiyahin niya. Isang araw ay nag-volunteer siya na magmaneho para sunduin ang anak ng amo nito—si Glenn. What she thought was a wonderful vacation turned out to be a disastrous one. Nagkaroon ng amnesia si Glenn nang dahil sa kanya. What was worse, siya pa ang napili nito na palaging dikitan dahil siya lang daw ang link nito sa kung sino ito. She thought it was just right since it was, after all, her fault why he lost his memory. Hanggang sa mamalayan na lang niyang naglaho na ang lahat ng negative impression niya rito. Ibang-iba kasi ito noong unang nakilala niya ito. Tuluyan nang nahulog ang loob niya rito at nadoble pa ang kasiyahan niya nang magtapat ito sa kanya. Pero nagbalik ang alaala nito. At hindi na siya maalala nito. Ano na ang gagawin niya ngayong nakuha na nito ang puso niya?
|
|
|
Post by len on Oct 9, 2008 18:18:06 GMT 8
STALLION SERIES # 45: LEE SHIN YANG “Hinding-hindi ako magpapakasal sa iyo mamatay man ang lahat ng kuko sa paa ko! Never! As in never mong mahahawakan ni dulo ng daliri ko!” Iyon ang mga salitang binitwan ni Army kay Shin, ang masugid niyang manliligaw na half Korean at half Filipino. Sa sobrang sugid nito, ni hindi na nito alintana kung ilang beses niya itong binasted. Kahit nasa Korea ito ay tumatawag pa talaga ito para lang manligaw. Na siyang kinabubuwisitan niya, lalo pa nga at katatapos lang niyang mabigo sa pag-ibig. Tuloy ay nabuhos dito ang lahat ng galit niya sa mga kalahi ni Adan. Pero nagbago iyon nang dumating sa bansa ang binata. She still hated his guts. But there was just something in his gentle voice and chinky Korean eyes that made the coldness in her heart slowly melt away...
|
|
|
Post by len on Oct 15, 2008 19:50:03 GMT 8
Calle Pogi Series 8: Ryu Grabeng sama ng loob ang nadama ni Carmi nang marinig niya ang usapan ng boyfriend niya at ng stepmother niya. May usapan pala ang mga ito na paibigin siya at pagkatapos ay unti-unting kukunin sa kanya ang mga kayamanang naiwan ng kanyang ama. Dahil natatakot siya para sa kanyang buhay, nagpasya siyang kumuha ng bodyguard sa katauhan ni Jazzy. Dinala siya nito sa Calle Pogi. Mapapangalagaan daw kasi siya ng mga residente roon. Mukha ngang mabait ang mga tagaroon maliban sa isang lalaki--si Ryu. Dahil sa halip na protektahan, ginawa siya nitong katulong nang masira niya ang bukbuking gate ng mas bukbuking bahay nito. They clashed every time they saw each other. Gayunpaman, tuwing nalalagay ang kanyang buhay sa panganib ay ang antipatikong binata ang laging nasa frontline. Kamukat-mukat niya, in love na siya rito. At dahil sa thoughtful ito, hindi tuloy niya maiwasang isipin na maaaring may pagtingin ito sa kanya. Uuuy, tsismis!
|
|
|
Post by len on Nov 5, 2008 19:32:19 GMT 8
Calle Pogi Series 10: Bucho Crista had always liked Bucho, their barangay’s beloved captain. Hindi niya ikinahihiya iyon. In fact, natutuwa pa nga siya kapag may nanunukso sa kanya. Pabor iyon sa kanya. Kapag tinatanong siya kung may gusto siya rito, “oo” agad ang sagot niya. Everything was simpleto her. Para sa kanya, kung gusto mo ang isang tao, dapat sabihin at ipakita. Ang problema, ang pagkakaalam niya ay “gusto” lamang niya si Bucho. Hindi niya napaghandaan na puwede pa palang mas lumalim ang damdamin niya para dito. Hanggang dumating na nga ang araw na iyon. She fell in love with him. Maaamin pa rin kaya niya iyon sa harap ng maraming tao? O sa harap mismo ng lalaking minamahal niya?
|
|