the bham!
Full Member
...LING XIAOYU...
Posts: 323
|
Post by the bham! on Aug 11, 2007 1:31:45 GMT 8
THIS CERTAIN FEELINGNagpapayaman sa kanyang flower and vegetable farm si Gigi nang makilala niya ang bored na playboy na si Zeek. Kaya nang ideklara nitong liligawan siya nito, walang kakurap-kutrap na binasted niya ito. Ang akala niya ay titigil na ito pero sa halip na layuan siya ay lalong naging pursigido itong ligawan siya. Kaya kinompronta na niya ito.
“Paano akong mai-in love sa isang taong alam kong nagpapalipas lamang ng oras sa pamamagitan ng panliligaw sa akin?’
Kung ganoon nga, bakit tuwing titigan niya ito ay nagba-blush siya? TRUST ME YOUR HEARTGuia was a walking nightmare, literally and figuratively. Kapag nakikita siya ng mga tao ay nagtatakbuhan palayo ang mga ito at dumidiretso sa mga simbahan para magpabasbas upang hindi raw niya dalawin ang mga ito sa panaginip. Dahil doon kaya ipinasya niyang magkulong na lang sa kanyang madilim na silid- kapiling ang mga horror movies na kinahiligan niya. She would have stayed out of everyone's sight if it hadn't been for Jed, a playboy who was desperately in need of a household help.
Basta na lang siya kinuha nito sa kanilang bahay at dinala sa kung saang lupalop ng daigdig upang magpaturo ng mga gawaing-bahay. Obvious na hindi sila kailanman magkakasundo.
Pero bakit iba na yata ang nararamdaman niya habang lumilipas ang mga araw na kapiling niya ito? Was she starting to fall for him?
|
|
|
Post by len on Aug 26, 2007 15:55:00 GMT 8
CRAZY LITTLE THING CALLED LOVE Labis ang paghanga ni Sassa para kay Tommy Fontanilla, ang vocalist ng paborito niyang banda-- ang Sentinel. Sa alagay niya ay mahal na nga niya ito dahil pati poster nito ay kinakausap niya. Tuwang-tuwa siya nang malaman niyang mai-interview niya ito. Ngunit dahil sobra-sobra ang paghanga niya rito ay pumalpak siya. Sa halip kasi na tanungin ito ay tulalang nakatingin lamang siya rito. Na-starstruck talaga siya rito. Iyak siya ng iyak hanggang sa pag-uwi niya dahil sa kapalpakang iyon kaya naibuhos niya ang kanyang sama ng loob pati sa driver ng taxi na nasakyan niya. Ikinuwento niya rito kung gaano niya kamahal si Tommy na ngayon ay siguradong naiinis na sa kanya dahil sa kinalabasan ng interview na iyon. Ang hindi niya alam, si Tommy na pala mismo ang driver na kausap niya! Ang kotse nito ang nasakyan niya nang hindi sinasadya! Ano na ngayon ang gagawin niya?
|
|
the bham!
Full Member
...LING XIAOYU...
Posts: 323
|
Post by the bham! on Aug 29, 2007 21:29:19 GMT 8
LOVING FAUST Positibo pa rin ang pananaw ni Raia sa buhay. Kahit pa tila siya ang nakasalo ng lahat ng problema sa mundo. Tulad na lang ng muntik pa siyang masagasaan dahil sa pakikipaghabulan niya sa mga pulis bilang illegal vendor. Mabuti na lang at may sumagip sa kanya – si Faustino Valles. Guwapo, mukhang anghel, at mayaman; pero suplado, antipatiko, walang puso at manhid.
Tagilid pa yata ang magiging knight in shining armor niya. Paano na ang kanyang kagandahan?
|
|
|
Post by soniafrancesca on Aug 31, 2007 17:33:05 GMT 8
ate bham and ate len, npkabait ninyong dalawa. napakasipag pa kasi lagi nyo post dito mga bagong release. kahit ako di ko alam na may release na pala ang phr na bago....maraming maraming salamat. malapit na ang pasko. nag-iipon na ako ng panregalo sa inyo. kita tayo sa pasko ha? bilang pasasalamat sa pagtitiyaga ninyo, i have a gift for all of you....lupa't bahay sa paso. joke! heheheh bsta, i have a gift.
...
sana di ko makalimutan ito hehhee
|
|
the bham!
Full Member
...LING XIAOYU...
Posts: 323
|
Post by the bham! on Sept 5, 2007 20:58:13 GMT 8
PAINT MY HEART Dani never did soften up to love. Nadala na kasi siyang umibig kaya ibinaling niya sa pagpipinta ang kanyang atensiyon. Kung mayroon mang nagtatangkang manligaw sa kanya ay dumadaan ang mga ito sa butas ng karayom.
Hanggang sa makilala niya si Justy Ueki Tyler. The guy was sinfully gorgeous. She just loved this slightly arrogant, slightly selfish, overly handsome and totally great guy. Pero biglang kumulo ang dugo niya rito nang marinig niyang laitin nito ang kanyang mga obra-maestra.
How dare the man! Wala itong alam sa art kaya wala itong karapatang insultuhin siya. Kaya nga nang makilala niya ang kapatid nito na si Ginny—isa sa masusugid na tagahanga niya ang dalaga—at pakiusapan siyang akitin ang workaholic monster na kuya nito, she did exactly what she was not supposed to do.
|
|
the bham!
Full Member
...LING XIAOYU...
Posts: 323
|
Post by the bham! on Sept 12, 2007 23:36:05 GMT 8
CATCH ME I'M FALLING FOR YOU Abala c Dawn sa pagluluksa sa kanyang sugatang puso nang sumulpot sa harap niya ang pilotong si Ivan Drake. Kinausap siya nito ngunit dala ng pagdadalamhati ay halos hindi niya naririnig ang mga sinasabi nito. Nainis yata ito kaya binuhusan siya ng nito ng isang palanggana ng malamig na tubig.
Natauhan siya ng wala sa oras. Galit na galit na hinarap niya ito. "Bakit mo ako binuhusan ng tubig?"
"Style," nakangiting sagot nito.
She hated his style. Pero ang sugatang puso niya ay tila iba ang pananaw. Dahil tuwing nakakaramdam siya ng kalungkutan, ang "style" ni Ivan ang laging hinahanap niyon...
|
|
the bham!
Full Member
...LING XIAOYU...
Posts: 323
|
Post by the bham! on Sept 19, 2007 20:47:05 GMT 8
MAYBE YOU’RE MY LOVE Problemado sa pera sina Juni at ang kanyang mga kaibigan. Kaya naisipan niyang isangla muna ang pinakamamahal niyang laptop computer.
Ngunit dahil okupado ang kanyang isip, muntik na siyang madisgrasya. Ang masaklap, ang pinakamamahal niyang laptop ang nadali dahil iyon ang sumabit sa kotseng muntik nang makabundol sa kanya. Nagkapira-piraso ang kanyang laptop.
Frustrated with everything in her life, she started crying in the middle of the street. Hanggang isang anghel ang lumapit sa kanya sa katauhan ni Forrester Caldona, ang may-ari ng sasakyang muntik nang makadisgrasya sa kanya. Ibinigay nito sa kanya ang lahat ng pag-aaring dala nito sa katawan para lang tumigil siya sa pag-iyak.
Nang makita niya ang guwapong mukha nito, parang hindi lamang ang kayamanan nito ang gusto niyang ibigay nito sa kanya. She wanted to own his heart and love, too.
|
|
the bham!
Full Member
...LING XIAOYU...
Posts: 323
|
Post by the bham! on Sept 26, 2007 23:52:09 GMT 8
WAKE UP, PRETTY LITTLE HEART Serge and Aera had been best friends since childhood. May isa pang pinagkakasunduan ang dalawa: ang lihim na pagsinta ni Aera sa nakatatandang kapatid ni Serge na si Gian. Sa binata siya nanghihingi ng mga advice at kung anu-anong impormasyon tungkol sa kuya nito dahil hindi niya magawang makalapit at makausap nang maayos ans kanyang sinisinta.
Pero isang araw, nagalit na si Serge. “Gian, Gian! Puro ka na lang Gian! Pagbubuhulin ko kayong dalawa riyan!”
Hala! Anong nangyari? At bakit nang dumating ang pagkakataong makadaupang-palad niya ang kanyang pangarap na Prince Charming, ibang charming prince na ang hinahanap-hanap ng puso niya?
|
|
|
Post by len on Oct 8, 2007 23:16:35 GMT 8
RETURN TO LOVE Hindi inakala ni Elyunor na isang harmless na pagdya-jogging isang madaling-araw ay magiging umpisa ng walang katapusang kaguluhan sa kanyang buhay. At ang lahat ng iyon ay dahil lamang nabangga siya ni Jin, ang lalaki na kahit nagluluksa pa rin sa kamatayan ng kasintahan nito ay nagagawa pa ring magsungit sa kanya. Isang gabi, nagkabanggaan na naman sila at nakapagbitiw siya ng masasakit na salita rito. wala siyang balak na makonsensiya kung hindi lamang ito nawalan ng malay dahil sa kalasingan. "Help... me..." Puso na niya ang nag-utos sa kanya na tulungan ito. Yeah, as in heart. Pambihira! Nahulog pa yata ang kanyang loob sa bigong lalaking ito!
|
|
|
Post by len on Oct 14, 2007 1:05:26 GMT 8
TELL ME WHEN TO LOVE YOU
Mainit ang ulo ni Annejo nang araw na iyon. Lahat ay tila kinabubwisitan niya. Parang kahit tangke na panggiyera ay hindi niya uurungan. Ngiti lang ng isang matandang babae ang kahit papano ang nakapagsubside ng ngitngit niya sa mundo, na agad din namang naglaho nang makilala niya ang amo nitong si Eugene Montenola, isang mayamang negosyante na hindi marunong ngumitio magpakumbaba man lang. nang magkrus ang mga landas nila, tila hindi na magkakaroon ng katapusan ang iringan nila. Pero nakialam ang tadhana Pati na ang kanilang mga puso...[/b][/color][/font]
|
|
|
Post by len on Oct 18, 2007 1:50:35 GMT 8
WANDERING HEART Jesi was a perfect girlfriend material. She was smart, sexy, beautiful, successful, rich. Kaya nga laking pagtataka niya kung bakit naunahan pa siya ng mga walang-pakielam-sa-lalaking kaibigan niya. Kasal na ang isa at magpapakasal na ang isa pa. Samantalang siya, ni boyfriend ay wala. She started asking herself. Hindi kaya pangit siya? Isa lang ang malakas ang loob na sumagot niyon-- si Sky, ang nerd na kapitbahay niya. "Kung maganda ka, bakit kailangan mo pa ang opinyon ko?" Anak ng patis! Hindi na dapat siya nagtanong pa. Ayaw niyang tanggapin ang naging kasagutan nito kaya nagbanta siya na hinding-hindi siya aalis ng bahay nito hangga't hindi ito naaakit sa karisma niya. Pero bakit tuwing titingnan niya ito ay hindi isang nerd ang nakikita niya? Ang mas masaklap, parang siya pa ang naaakit sa karisma nito! Baliktad yata.
|
|
|
Post by Mhelai on Mar 5, 2008 14:27:30 GMT 8
PHR 2801 Addicted To Love Saia and Hadji started out as enemies--well, at least on Saia’s part--dahil wala namang ginawa si Hadji kundi ang kunin ang amor niya tuwing magkakaroon ito ng pagkakataon. Kaya naman hindi na kataka-takang may maramdaman silang kaguluhan sa kanilang mga sarili na dulot ng isa’t isa. Isang gabi, nagpasya silang alamin kung ano ang dahilan ng lahat ng nangyayaring iyon sa kanila. They started going out. And then they found out they weren’t really that bad. Hanggang sa namalayan na lang ni Saia na nagmamahal na pala siya. Pero pinigil niya iyon. Dahil nakatali na siya sa obligasyon niya sa kanyang mga magulang. Makakaya kaya ng pagmamahal ni Hadji na mabawi ang puso niya mula sa obligasyong iyon?
|
|
|
Post by Mhelai on Apr 2, 2008 18:38:50 GMT 8
STALLION BATCH 4 BOOK 26: PIPO DE VERA BY SONIA FRANCESCA
Annamae was a spoiled brat. Ayaw niyang magtrabaho. Ayaw rin naman niyang magpakatino. Palagi siyang nakikipagsigawan sa mga rock concerts, nakikipagsigawan sa mga nagra-rally, at nakikipagsigawan sa kanyang ama. Siya ang literal meaning ng rebel-without-a-cause.
Hanggang sa mapuno na ang kanyang ama. Binigyan siya nito ng ultimatum. Magtatrabaho siya o magpapakasal. Pero mas mautak siya kaysa rito kaya gumawa siya ng paraan upang makalusot sa dalawang kondisyon na iyon. Kailangan lang niya ng magpapanggap na boyfriend niyang gusto niyang pakasalan. Nakita naman agad niya ang kanyang prospect: si Pipo de Vera. Ang kaso, tinanggihan siya nito. Pero bumawi naman ito nang magprisinta itong tutulungan na lang siyang maghanap ng magiging “boyfriend” niya.
Pero bakit nang may magprisinta nang iba, unang-unang kumontra ito?
|
|
|
Post by Mhelai on Apr 9, 2008 16:50:52 GMT 8
Stallion Series 28 (Batch 4): Daboi Bustamante Arianne was devastated. Ang lalaking minahal niya sa loob ng tatlong taon ay isa palang nakakabahing na paminta—as in gay, bading, binabae. Because he was her first love, talagang iniyakan niya iyon nang husto. Ngunit sa kanyang pagluluksa ay isang lalaki ang kumupkop sa kanya. Si Daboi. Inalagaan siya nito, pinangiti at tinuruang magmahal muli. Ang problema, dito muling tumibok ang puso niya. Eh, hindi kasama iyon sa usapan. Ano na ngayon ang gagawin niya? Mabibigo na naman ba siya sa ikalawang pagkakataon? Sa loob lang ng halos dalawang linggo? Sobra naman yatang parusa iyon…
|
|
|
Post by Mhelai on Apr 16, 2008 16:52:18 GMT 8
Series 30: Angelo Exel Formosa Ultimate crush ni Nadja si Ian Jack. Para sa kanya, ito na ang lalaking matagal na niyang hinihintay sa kanyang buhay. Handang-handa na ang puso niyang magmahal. Ngunit saka naman dumating ang isang istorbo. Si Angelo Exel Formosa. Hindi lang ito naging malaking istorbo para sa pagsinta niya kay Ian Jack, naging panggulo rin ito sa nananahimik na puso niya. Dahil mula nang sumulpot ito sa buhay niya, ito na lang lagi ang kanyang hinahanap… Teka, hindi ba’t in love na siya sa iba?
|
|