Post by jluvlenskie13 on Oct 8, 2006 15:43:41 GMT 8
***ALL TIME FAVORITE COLLECTIONS***
KISSING MS. WRONG
DEAR LIES
The first time Francesca and Darwin met, she knew they will hate each other. Kaya naman nang muli silang magkita ay kinailangan pa niyang magtahi ng kuwento sa kagustuhan niyang manatili sa isla nito. Ngunit sadya yatang sintigas ng bato ang puso nito kaya sa halip na patawarin ay lalo pa siya nitong ginipit.
Hanggang isang pangyayari ang magsilbing susi upang mabuksan ang isang kabanata ng buhay nito at maging dahilan iyon ng kanilang pagbabati.
Now he was thanking her for saving him. Buong buhay niya ay noon lang siya nakatanggap ng isang heartfelt "thank you". At nagmula pa sa taong akala niya ay hindi marunong mag-appreciate ng mga bagay sa paligid nito.
"I love you. Will you marry me?" wika pa nito sa kanya.
Tatango na sana siya kung hindi lamang niya kilala ito...
MATTERS OF THE HEART
Florence was carefree. Lahat ng bagay ay nagagawa niyang idaan sa biro. Pero nakilala niya sa Donn-- seryoso, at ang nais nito ay nasa ayos ang lahat. He was so considerate na mas uunahin pa nito ang damdamin ng ibang tao kaysa sa sarili nitong kaligayahan.
Biglang umiral ang inborn na pagkapilantrupo ni Florence. Itinalaga nya ang sarili niya bilang tagapagligtas ng lalaki. Hindi niya ito hahayaang matali sa isang relasyon na ang mayamang lola lamang nito ang may gusto.
Gumawa siya ng paraan upang ma-realize nitong hindi ito magiging masaya kung patuloy lang itong makikipag-ugnayan sa babaeng ipinagkasundo rito na si Anette. Kahit na patuloy nito iyong itatanggi.
Pero bakit siya nito biglang hinalikan? At ang masama, buong alab rin niya iyong tinugon...
MY LORD ACE
Bilang isang freelance photographer, kung saan- saang isla at bundok nakakarating si Prix. Kaya nang marinig niyang maganda ang Isla Catalina ay agad siyang pumaroon. Iyon ay sa kabila ng pagiging pribado ng isla
Ganoon na lamang ang takot niya nang salubungin siya ng isang lalaking nakakalula ang tangkad at lapad ng katawan. Ipinag tabuyan siya nito.
Ngunit hindi siya nasiraan ng loob. Lakas-loob niya itong hinarap at sinabi ritong hindi siya aalis doon hangga't hindi niya nakukunan ng larawan ang isla/
Sa pagka mangha niya ay pumayag ito kapalit ng paninilbihan niya sa pamamahay nito.
Labis niya iyong ikinatuwa. Nanalo siya sa round one. Ang masama, natalo siya sa mga sumunod na rounds. Because instead of winning, she bet and lost something she could't afford to lose... her heart.
LOVE AT SECOND SIGHT
Nang ma-inlove si Czarina sa unang pagkakataon ay todo-todo ang ibinigay niyang pagmamahal. Nang magpakasal ang lalaki sa ibang babae ay talaga namang para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Sa mismong kasal ay nagpakalunod siya sa alak.
Util a mysterious and handsome stranger came to her rescue--si Harold.
Nang magpasya siyang magbakasyon muna upang makalimot sa kabiguan ay hindi niya akalaing muli silang magkikita ng lalaki.
Natuklasan niyang ito pala ang tatay-tatayan ng makukulit na batang kambal na nakilala niya. Halos araw-araw siyang kinukulit ng magkapatid na maging "mommy" raw ng mga ito.
Syempre pa ay nagpakatanggi-tanggi siya. Pero nang si Harold na mismo ang humingi ng pabor sa kanya, himalang napapayag siya nito.
Mukhang muli na namang nagmamahal ang puso niya. Lalo pa nang gawaran siya ng halik ng binata. Gusto na yata niyang totohanin ang lahat. Pero malinawna "laro" lang ang pagiging mag-asawa nila..
LOVE, LIES, AND ALIBIS
Dahil sa isang kahilingan na hindi makayang pahindian ni Belinda ay napilitan siyang magtungo sa Benguet. Ngunit parang gusto niyang mag-back out
nang makilala ang lalaking maghahatid sa kanya sa destinasyon niya.
Dax was the last person she wanted to see.
But fate had brought them together.
Worse, nalaman niyang ito pala ang may-ari ng flower farm na tutuluyan niya.
Paano na lamang ang problema niya? Malulutas kaya niya iyon kung parating nakakontra si Dax sa bawat hakbang na gawin niya? At bakit ba may pakiramdam siyang parating may mapang-uring mga mata na nakamasid sa kanya?
Could she get the concentration she needed before her heart changed its mind?
HEY GORGEOUS
"Maganda ang nakaguhit sa palad mo, Miss. Malapit mo nang makilala ang lalaking makakapiling mo habang buhay. Malalaman mong siya na nga iyon kapag nagkalapit kayo at nakarinig ka ng isang napakagandang musika."
Ipinagsawalang-bahala lang ni Simone ang hula sa kanya. Una, nagmamadali siya dahil male-late na siya sa kasal ng pinsan niya. Pangalawa, hindi siya naniniwala sa hula. Para sa kanya, ang tao ang gumagawa ng sarili niyang tadhana.
Ngunit sa sandaling nakita niya ang best man sa kasal ng pinsan niya, bigla ay tila may pumailanlang na musika. At nang titigan niya si Aleister, tila tumigil sa pag-inog ang mundo.
Tama kaya ang manghuhula? Si Aleister na nga kaya ang lalaking sa kanya ay itinadhana?
ONCE AND AGAIN
"Axel Drake de Roque, at your service. Although I will not call myself unlucky to be Raven's boyfriend."
Tila knight in shining armour ang naging dating nito kay Raven nang sagipin siya nito sa pang iinsulto ng mga kaopisina niya. Wala kasi siyang love life. Ngunit sa kabila ng pagtulong nito ay hindi pa rin nawala ang galit nila sa isa't-isa, sampung taon na ang nakararaan. Ang nakapagtataka, sa halip na magbangayan sila ay nagtutulungan pa sila.
Ngunit hindi siya naging handa sa mga konsekwensiya ng palabas nila nang maramdaman niyang ito pa rin ang lalaking iniyakan niya noon gabi-gabi. Handa na kaya siyang ipadama rito ang damdamin niya ngayong unti-unti nitong natitibag ang pader sa puso niya?
THE WAY YOU LOVE ME
Naglayas si Lani upang takasan ang problema niya sa ama. Pero isa ring problema ang napuntahan niya. Sa katauhan ni THaddeis Joseph Adorable.
But Thad was the one problem she didn"t know whether to stick up with or ran away from...
ACCIDENTAL HEARTS
Presko. Iyon ang impresyon ni Rhome kay Byron nang unang beses silang magkita. Ngunit hindi rin niya maitanggi ang atraksiyong nadarama niya para dito. Ni hindi nga niya alam kung paano siya napapayag nito nang imbitahan siya nito para sa isang dinner date. Ngunit sa huling sandali ay bigla namang kinansela nito ang date na iyon; kung kailan nakabihis na siya at handang-handa na. Bumalik tuloy muli ang inis niya rito. Ipinangako niya sa sariling hinding-hindi na niya papansinin ito kahit kailan.
Then she met his twin brother, Bryan. Kabaliktaran ang ugali nito sa kakambal. Bryan was more hes kind of man.
Ngunit sa tuwing tititigan niya ito, ang masayang dispusisyon ng mukha ni Byron ang nakikita niya... At bakit lihim niyang hinihiling na sana ay si Byron nga ang kausap niya?
CAPTAIN OF MY HEART
Sa paghahanap ni Leira sa kanyang "Mr. Right," iba ang kanyang natagpuan. Si Calvin, isang Air Force captain na kasalukuyang hinahanap din ang sarili nitong "Miss Right." Pareho sila ng mithiin at misyon sa buhay kaya mabilis silang nagkapalagayan ng loob at naging magkaibigan.
Together they set out a quest to find their own true love. Pero nagbago ang lahat nang mag-iba ang tingin niya sa matikas at guwapong kapitan.
Parang nagiging kamukha na nito ang kanyang Mr. Right...
GOLDILOCKS AND HER PRINCE
Kahit dis-oras ng gabi ay sinugod ni Mae si Leanard sa bahay nito. Galing dito ang subpoena na natanggap niya at nagpapasakit ngayon sa ulo niya dahil sa di-sinasadyang pagkakadisgrasya niya sa bakuran nito.
"We need to talk," matigas na sabi niya, ngunit ang mga mata ay hindi maiwasang maglakbay sa malapad na dibdib nito at pipis na tiyan. "Magbihis ka nga!"
Pero tila wala itong narinig, sa halip ay nanatili lang itong nakatayo naang tanging saplot sa katawan ay boxer shorts lang.
"you're in my house so don't you raise your voice on me, Miss. At tungkol sa subpoena, abogado ko na ang kausapin mo. Now, get out or I'll take off my boxers in front of you."
Natigilan siya, awang ang bibig na hawak pa rin ang subpoena. Nang marinig niya ang tinig nito ay tila noon lang muling nagbalik ang kanyang katinuan, ngunit hindi ang normal na tibok ng kanyang puso.
MY SWEETHEART CHERIE
Pangarap ni Cherie na unusual at romantic ang maging pagkikita nila ng lalaking kanyang mamahalin. Ngunit naglaho ang pangarap niyang iyon nang ipagkasundo siya ng mga magulang sa lalaking ni hindi niya gusto. Nagpasya siyang kausapin na lamang si Dwight-- ang lalaking ipinagkasundo sa kanya. Dapat na dito manggaling ang pag atras sa kasal nila. Iyon lang ang tanging paraan para hindi sila makasal.
Ngunit tinanggihan siya ng hudyo. Wala raw itong balak na umatras sa kasal nila.
Kaya imbes na pag ibig ay galit ang namayani sa kanyang puso. Well, she would make life a living hell for her dear husband-to-be. But when married life slowly sunk in, things started to change. Even the way she saw her husband had changed.
Even the way her heart felt towards him...
I DO.. TAKE TWO
Panay ang parinig ng mga kaibigan ni Dallas sa kanya. Siya na lang kasi ang unattached sa kanilang magkakaibigan. Ang hindi alam ng mga ito, may asawa na siyang naiwan sa Australia.
Hindi sana malalaman ng mga ito ang tungkol doon kung hindi nagpakita ang magaling niyang asawa. Ang buong akala niya ay susunduin na siya nito, na sasabihin nitong bumalik na siya rito dahil hindi ito mabubuhay nang wala siya sa tabi nito.
Pero ang hudyo, sa halip na manikluhod. iwinagayway sa harap niya ang divorce papers nila!
BIRUBIRUAN NG PUSO
Pretzel was never shy about showing her feelings to any guy she fancied. Kaya naman nang makilala niya si Alec, as usual ay kinapalan niya ang kanyang mukha at nagpa-cute siya rito...nang paulit-ulit.
Subalit nanatiling dead-ma ito sa mga pagpapa-charming niya. Every time she teased him, he would just tolerate her and disregard her like he never heard anything she said. Idinadaan naman kasi niya sa biro ang pagpaparamdam dito.
What she didn't count on was that crush would turn into a full-blown love. Well, that was okay.
If only Alec felt the same way towards her...
SI MA'AM AT SI MR. HEARTTHROB
Nagsanib-pwersa ang mga tao sa paligid ni Betty upang masigurong hindi siya mauuwi sa pagiging matandang dalaga. Sampung taon na kasi siya a kanyang propesyon bilang guro ngunit wala pa ring nakikita ang mga itong positibong makakatuluyan niya. Ayaw pumayag ng mga ito na masayang ang kanyang ganda at talino.
Ipinagkibit-balikat lang niya iyon. Eh, ano naman ang magagawa niya kung wala talaga siyang nagustuhan sa mga nanliligaw sa kanya na lahat ay nagsipag-asawa na?
Mawawalan na sana ng pag-asa ang mga tao sa paligd niya nang dumating ang bagong school director ng kanilang eskuwelahan--si Marc Christian Sebastian, ang lalaking inibig niya fifteen years ago at siya ring naging dahilan upang hindi na siya umibig pang muli.
At sa kanilang muling pagtatagpo, madidiskubre niyang may natitira pa pala siyang pagmamahal sa lalaki.
I LOVE YOU TODO-TODO WALANG HINTO WALANG PRENO
Lumuwas sa Maynila si Reika upang hanapin ang kasintahang bigla na lang naglaho nang araw ng kanilang engagement. Ngunit ang natagpuan niya ay ang lalaking palagi na lamang nagpapakulo ng kanyang dugo. Si Matthew, a former NBI agent-turned-Patok jeepney driver, na sa kamalas-malasan ay siya ring taong kailangan niya upang makita ang kanyang hinahanap.
Ang problema, tila hindi man lang ito nagdalawang-isip na tumanggi para tulungan siya. Hindi na rin niya inisip na pakiusapan ito dahil wala iyon sa karakter niya.
Ngunit nakielam ang kanilang mga pamilya kaya sa ayaw at sa gusto niya ay mapipilitan siyang makipag kasundo rio.
Pero ang mas malaking problema ay nang makielam din ang puso niya. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakikipagkasundo rito nang kusa.
MISSENT
Sa kagustuhan ni Samarra na makasulat ng isang napakagandang romance novel ay napagdiskitahan niyang gawing hero si Avery de Guzman, ang misteryosong male writer sa publikasyon kung saan nagsusulat din siya. She staged all their accidental meetings, smashed her cellphone, and even went to the extent of sending him text messages--making them appear they were missent--just to get his attention. Everything went out well. She had romance story.
Pero masama pala ang pinangungunahan si Kupido para sa sariling kapakanan. Hayun, tuloy ay na-inlove siya nang wala sa oras. Ang masaklap pa, napundi sa kanya ang hero niya na walang iba kundi si Avery.
Paano na ang sariling love story niya?
OPTION 5: LOVE ME, MY DARLING ENEMY
May malaking problema ang magkapitbahay na sina Marx at Jersey.
Problema nila ang isa't-isa.
Asar si Marx dahil palaging pinakikielaman ni Jersey ang kanyang sex life. Inis naman dito si Jersey dahil palagi siyang inaasar nito. Wala silang pinipiling oras at araw kung magbangayan. At madalas, naaapektuhan na ang mga kapitbahay nila.
So, their neighbors suggested a plan. Liligawan ni Marx si Jersey para mapabait ito. Jersey learned about the plan and came up with her counterattack.
Hinayaan niyang isipin ni Marx na nadadala siya sa mga ngiti at pagpapa-charming nito.
Pero kalaunan, bakit naaapektuhan na siya ng "panunuyo" nito?
BACK TO YOUR HEART
Minsan nang pinakawalan ni Illiana si Van at pinagsisihan niya nang labis iyon. Pinakawalan niya ang isang lalaking halos sambahin na siya.
Kaya ngayong muling nagkrus ang kanilang mga landas ay gagawin niya ang lahat mahalin lamang uli suya nito.
Pero tila walang epekto rito ang mga ginagawa niya.
Hindi na ba siya mahal nito?
SEND IN MY PRINCE CHARMING
Hindi namalayan ni Vida na habang tumatagal ay lalo palang nadaragdagan ang paghanga niya sa guwapong may-ari ng Cape's Corner na si Vladimir. Hanggang sa matanto niyang mahal na pala niya ito.
May problema nga lang. Parang worlds apart ang mga personalidad nila. Seryoso ito, mababaw lang ang kaligayahan niya. Masyadong organized ito samantalang siya ay makalat. Mahilg ito sa mga makabuluhang pelikula, habang siya ay masaya na kay SpongeBob.
Pero mahal nga niya ito. Paano niya paglalapitin ang kanilang magkaibang mundo?
LET ME CALL YOU SWEETHEART
Kung may pinakamatinding salitang makapag-lalarawan sa inis, iyon na ang nararamdaman ni Moira para kay Chance, ang best friend ng kuya niya. Misyon yata nito sa buhay ang galitin siya. Pikon pa naman siya kaya sa tuwina ay nasasaktan niya ito.
Ang hindi niya maintindihan, bakit sa kabila ng mga sakit na tinatamo nito sa kanya ay balik ito ng balik? Nakaka-addict ba ang mga hampas at tadyak niya rito?
Hindi na nakatiis ang kuya niya sa pagsasakitan nila ni Chance kaya nakielam na ito. "Kaya balik nang balik 'yon ay dahil mahal ka ng ugok na 'yon, sis."
Mahal siya ni Chance? Ang saksakan ng guwapong lalaking 'yon, torpe?
Ha-ha! Lagot ka sa akin, Chance!
LOVE COMES KNOCKIN'
Matindi ang pagkaka-crush ni Yanna kay Jordan. Hindi niya mapigilan ang sariling titigan ito, sadyain ito sa opisina nito, at sundan-sundan ito para lang mapansin siya nito.
Kaya labis syang natuwa nang kausapin siya nito. Nasundan iyon nang nasundan hanggang sa maging magkaibigan na sila.
Ngunit isang araw ay nalaman niyang may minamahal na ito. Ang masakit pa, patay na ang babae pero patuloy na minamahal ito ni Jordan.
Paano siya makikipag kumpitensiya sa isang taong hindi na nag-e-exist pero patuloy na minamahal ng lalaking mahal niya?
THE LOVE NEXT DOOR
Friends can be lovers but lovers can't be friends. Iyon ang nakatatak sa isip ni Leila kapag magsusulat siya ng nobela. Kahit kailan ay hindi siya nagsulat ng kwento na ang mga tauhan niya ay magkaibigan na nagkabalikan. Ilang beses na kasing na-reject ang kanyang mga gawang may ganoong tema. So she made it a point not to have that kind of relationship, in reel or real life. Enter her gorgeous next-door neighbor, Jace Oliveira. Great smile, suave voice, bedroom eyes and all. He was perfect. But he was also her friend.
BAD CASE OF LOVING YOU
Natagpuan ni Roanne ang isang perpektong lalaki sa katauhan ni Patrick Suarez nang mga panahong nagpasya siyang tigilan na ang pakikipagsapalaran sa larangan ng pag-ibig. He revived her hopes and dreams in the love department. At dahil bago sa kanya ang kakaibang damdaming iyon na dito lamang niya naramdaman, sinapian siya ng espiritu ni Gat Andres Bonifacio. Bigla na lang siyang nagtapat sa binata.
"I think I like you, Patrick."
His answer was a warm and understanding smile. Pero hindi iyon ang kailangan niya. Mukhang pinakinggan naman siya ng langit. She got his answer.
"It's not that I don't like you, Roanne. It's just that... I'm currently unavailable."
Nais niyang panghinaan ng loob. Isang kabiguan na naman yata ang hatid nito sa kanya...
THE LOVE CHARM
Minamalas si Tiffany. Tila sa bawat kilos niya ay nadidisgrasya siya. Kaya ang ginawa niya, sinunod niya ang payo ng matandang Intsik na nakatira din sa apartment building niya. Ayon dito, magsindi siya ng sticks ng insenso upang itaboy ang kamalasan sa kanyang paligid.
Upang tuluyan nang mawala ang kamalasan, dinamihan niya ang sticks na kanyang sinindihan. Tuloy ay inakalang nasusunog na ang unit niya dahil sa kapal ng usok na lumalabas doon!
Mabuti na lang at dumating ang magigiting na miyembro ng fire brigade volunteer team. Natuwa ang lahat maliban kay Dex, ang leader ng mga firemen. Ayon dito, tinakot niya ang ibang tenants ng building dahil sa kapabayaan niya.
Imbyerna ang beauty niya. Napakasungit ng pinakaguwapong bomberong nakita niya. Kung ganoon, bakit nahulog ang kanyang loob dito?
I HATE YOU BECAUSE I LOVE YOU
Rebelde si Yuri dahil na rin sa pambabale-wala sa kanya ng sariling ama. She hated everything around her--her so-called friends, her suitors, the plants in their house, the plants in their neighbor's house, her father, her father's girlfriend.
Hanggang sa makilala niya ang pamangkin ng girlfriend ng kanyang ama. Si Mark. She didn't like him the first time they met. Pero nang minsang halikan siya nito, tila naging santa ang pakiramdam niya dahil hindi niya nagawang pagalitan ito. Ni wala siyang naging reaksyon dito kundi ang mapatulala na lamang sa guwapong mukha nito.
Sa isang iglap, parang gusto na niya ng world peace.
PALAGAY KO MAHAL KITA
It was the worst day of Vivi's life. Natuluyan na ang naghihingalong printer niya, nasira ang computer niya at ang diskette na kinalalagyan ng lahat ng mga nobelang naisulat na niya ay nadampot pa ng ibang tao!
Dahil batid niyang masisiraan siya ng ulo kapag hindi niya nakuha ang diskette, gumawa siya ng paraan upang matunton ang taong nakakuha niyon. That person was Alexandros Llanzana--half Greek-half Filipino, and a hundred percent drop-dead gorgeous.
Tulala ang beauty niya. Tuloy ay parang hindi lang diskette niya ang nais niyang makuha sa opisina ng binata.
Kundi pati puso nito...
DON'T MESS WITH MY LOVE
Wala sa bokabularyo ni Maya ang mag-asawa o magka-boyriend man lang. Para sa kanya, sakit lang ng ulo iyon. Subalit nagbago ang pananaw niyang iyon sa buhay nang mapagtuunan niya ng pansin ang kapitbahay nilang si Reeve. "Masungit" at "bigo." Iyon ang description ng mga tao sa binata.
Pero para sa kanya, he was more than just a grumpy brokenhearted man. Napatunayan niya iyon nang magkasakit siya at alagaan siya nito nang walang hinihinging kapalit. Idagdag pa na sa kabila ng kasungitan nito, hindi siya pinagtataasan ng boses nito. Nakakatuwa rin itong textmate.
Hmm, aalagaan din kaya uli siya nito kung sakaling magpaalaga siya rito kahit wala siyang sakit?
MLMH: HEERO
Nanganganib ang buhay ni Marron. Saksi siya sa pagkamatay ng isang kongresista. Dahil doon ay kinailangan niyang magtago mula sa posibleng pagsalakay ng mga salarin na nakakilala sa kanya.
On the rescue naman ang kanyang Yaya Caring. Ipinrisinta nito ang lugar ng kapatid nito sa Tondo.
Doon niya nakilala ang magiting na barangay chairman na si Heero. Kahit antipatiko't walang modo ang impresyong ibinigay nito sa kanya, mukha namang gustong-gusto at mahal na mahal ito ng nga nasasakupan nito. Pero mukhang ayaw nito sa kanya at sa pagtigil niya roon.
Ngunit wala siyang choice. Ayon sa yaya niya, si Heero lamang ang maaaring makatulong sa kanya kaya kailangan niyang pakisamahan ito ng mabuti.
At sa kabila ng iritasyon, hindi niya napigil ang sariling humanga rito. Ramdam na ramdam niya ang pagsikdo ng kanyang puso tuwing pagmamasdan siya ng deep-set na mga mata nito na tumatagos kung tumitig.