|
Post by soniafrancesca on Jun 9, 2007 19:51:15 GMT 8
ay ako rin meron. pero courtesy ito ng sister ko.
highschool siya nun at usong uso ang mga plays. one time, nagpapractice sila sa isa sa mga school buildings ng linggo. so walang tao. sila lang na grupo. may dala silang recorder para magrecord sana ng script ng magna-narrate. hapon na sila ng matapos kaya para sa huling preparations, pinakinggan na muna nila ang ni-record nilang boses ng kaklase nila. mga praningz, ang narinig nila, hindi ang boses ng kaklase nila kundi isang malakas na halaklak. it sounded so demonic kaya nagtakbuha na lang silang pauwi. from then on, di na sila nagpapaabot ng gabi sa school. shucks! buti pala wala akong katalent-talent sa katawan kaya di ako napapasali sa mga late hours practices sa school...ayoko ng mumu!
|
|
uzzaper si alyssa
Full Member
pipol h8 me coz im a hartbrker liar. dey nver knew s dat b4 i bcme dis d**n me somebody broke me too
Posts: 522
|
Post by uzzaper si alyssa on Jun 10, 2007 12:09:47 GMT 8
ay meron din ako!!!!!!! hindi ko alam kung matatakot kayo pero ako natakot..... ang skul namin na ang pangalan ay DIVINE CHILD ACADEMY ay dating tirahan ng mga tao. pero nagkaron ng sunog dun at madaming namatay kasama na dun ang lolo ng aking classmate. natakot ako ng unang pagtungtong ko dun kasi naman nakakita agad ako ng santo sa my hagdan eh hindi ako sanay makakita ng ganon... pero ok na sana ang pagpasok ko dun kaya lang nanaginip ako, my isang sunog ng katawan ng bata ang nakatingin sa akin sa my bintana at nakatawa sya. kinaumagahan sinabi ko un sa aking mga klasmates at dun ko nga nalaman na nagkaron ng sunog dun,, kaya lang ganon pa din ang panaginip ko nung isang gabi ang masama pa my dumagdag na isang white lady nasa bintana din sya... un lang pero madami pa daw na kwento ang nababalot sa skul namin kagaya ng isang student na nagbigti sa computer room. at ang pag-galaw ng mga silya at libro sa library ng main campus,. ang katabi kasi ng main campus ay isang hunted house.. natatakot din ako kapag wala akong kasama na umaakyat sa 3rd floor kasi ang usapan dun my nadidinig daw silang ingay mula sa hall ng skul namin at ang pagpapakita ng isang white lady sa room ng 2nd yr student... sinabi din ng aking frend na sa ground floor sa my c.r ay my nagpapakitang isang matandang lalaki at my kasamang dalawang bata. ang usapan pa, un daw ang lolo ng aking classmate na kasama sa sunog........at meron pa sa skul din namin nagkaron ng over night kasama ang mga rovers at boy scout... andun din kami kasi nakatambay kami dun kaya lang nakita namin na my isang babae na nakasilip sa bintana ng 3rd floior,, nagtanong kami kung my tao pa sa loob ng building pero ang sabi ng aming janitor wala daw kasi nakalock na ang lahat ng pinto,, dun na ako nagsimulang managinip ng nakakatakot tungkol sa skul namin,, minsan ang nakikita kong duguan ang loob ng c.r ng mga gurls.... meron pang nangyari kaya lang dito un sa amin...hehe,, hindi ko alam kung matatakot kayo sa mga sinabi ko.....ahihihihi
|
|
d0n-d0n
Full Member
-yellow-orange na mundo-
Posts: 278
|
Post by d0n-d0n on Jun 10, 2007 17:18:49 GMT 8
sige magseshare din ako!!!!!
second year college ako nun nung sinabi ng tatay ko na naayos nya na daw yong bukid nya me bahay na at me ark papasok para di daw maligaw. syempre pumunta din kami kasi makiki-usyoso kami.
there's this one girl na anak ng nagtatrabaho dun lea ang name, syet ang ganda talaga nya. pramis walang stir. hehehe..hispanic yong beauty nya, pero ang tamlay-tamlay nya. gumagawa xa ng parang windmill na papel. origami xa na pag me hangin umiikot. sabi ng tatay ko me sakit daw, nung tanungin namin ngumiti lang.
then one day nashock nalang ang mader ko kasi andun na xa sa kusina namin natulog. eh, maaga akong nagising kaya naabutan ko sila dun na iniinterogate si lea. sabi lang nya mali daw ang orientation ng bahay namin, baliktad daw. dinismiss nalng ng mader ko yon baka kasi daw nananaginip pa daw. na bothered ako kasi archi ako tapos me point xa kasi nakatalikod kami sa airflow. one day tinanong ko xa bakit nya nasabi yon, sagot nya.
"di mo ba nakikita baliktad bahay nyo?" sabi nya. "ha? pano naging baliktad yon? what kind of baliktad?? as in upside down o yong unahan nasa likuran at yong likuran nasa unahan??" sabi ko hinawakan nya kamay ko sabay sabing " titigan mo yong kusina nyo. diba yon yong kwarto?" ginawa ko naman kaso di ko talaga mainagine eh. sabi ko baka guni-guni nya lang. sinagot nya lang ako ng "sa bukas makalawa makikita mo rin ang sinasabi ko". grabe para talaga akong tang sa kakatitig sa bahay kasi naman naintriga talaga ako sa sinabi nya. naalala ko pa nga na kinukulit ko tatay ko kung baliktad ba talaga yong bahy namin. natatakot na kasi ako eh at natatakot na din mga kapatid ko kasi kwento ako ng kwento.
hanggang sa isang araw, pumunta dun ang brgy. captain ng lugar na yon kasi inimbitahan ng tatay ko for some business. di ako nakatiis tinanong ko xa kung me history ba daw yong bahay. sabi naman nya wala daw pero yong lupa meron. yong likuran kasi ng bahay dati daw yong libingan pero di daw sila sure kung anong klase ng libingan. kung me patay daw ba na nilibing o mga hayop lang. tapos sabi pa nya na yong mismong extension ng kwarto eh, sakop pa ng libingan. gosh nahindik talaga kami, kaya pala sabi ng sabi si lea na baliktad ang bahay namin. pero mas nagulat kami sa sinabi ng tatay ni lea na buti nalang daw at baliktad ang pagkakagawa ng bahy namin kasi nasa labas daw ang sala namin at hindi sa bukana. kasi yong explanation daw nun sabi ng tatay ni lea is pag ang isang spirit na namatay na may hatred o unressolved business kadalasan daw bumabalik pag me nakitang lagusan, in our case pinto o yong entrance ng bahay.
andaming haka-haka kung bakit mas gusto ni lea na bumaliktad yong bahay namin. isa na dun yong sinasabi nilang hinihintay daw ni lea yong soul ng friend-cum-boyfriend nya, pero di naman sila sure kasi di na nagsasalita si lea hanggang ngayon. at walang patunay kung true yon kasi me girlfriend yong guy eh. so ang hula ko one-sided love yon at parang di ma let go ni lea yong guy!!! pero nakakatakot diba kasi if ever namali yong bahay namin, gawin ba naman portal ng mga mumu yon??!! haller! geez, as in di na talaga kami natutulog sa bahay na yon, mas ok. pa nga yong kubo kasi malayo sa libingan no! gosh, hanggang nagyon pagmakikita ko si lea tumatayo talaga balahibo ko! pero nakakawa xa kasi shes desperately waiting for someone na patay na! sayang pa naman kasi ang ganda nya....sayang ang lahi. hehehe
|
|
|
Post by Mhelai on Jun 15, 2007 13:43:48 GMT 8
creepy ng story mo dawn.. hehe..
at ate che, nang balikan ko nga yung story ko, napangiwi ako. harhar! ang corny kasi ng dulo. harhar!
eto naman nangyari sa dynamic english classroom ng e7 building ng eac...
nagkaklase yung mga nursing students run. magkakahiwalay yung mga seats. parang computer shop yung design ng room pero mas malalayo yung agwat. may facilities run na para syang radyo na hindi ko maexplain. basta yun na yun. sa isang hilera, mga pitong students lang magkakasama. sa dulo ng hilera, may tatlong students, 2 girls and 1 boy.
the prof ask them to repeat what the recording is saying. so ganun nga ginagawa nila. e yung isang girl, hindi niya mapronounce ng maayos yung isang word. so pinaulit-ulit yun sa kanya(segue muna.. geez! im feeling wierd right now! mukhang nagpaparamdam yung soul rito sa hauz.)ng prof. na ginawa niya naman.
then somebody shouted! "TAMA NA! TARANTADO KA!"
ayos lang sana yun kung yung isa sa tatlong students sa likod ang nagsabi nun, lalo na yung pinagiinitan ng prof. e kaso, yung boses na naririnig nila, boses ng isang matandang lalaki! as in malaki yung boses na parang galing sa hukay!
napalabas raw silang lahat sa room na yun, pero hindi ung prof., she remained standing in front. nakaharap siya dun sa spot kung san galing yung boses. she was crying soundlessly. tapos yung boses, patuloy na naririnig.
ang lagi lang sinasabi ay: TUMAHIMIK KA! TUMIGIL KA NA, TARANTADO KA!
after ng mga siguro 45 seconds, may bumalik na students. babae at lalaki. nakita na lang nila na walang malay yung prof. until now, di pa rin alam kung sino ang lalaking iyon at kung ano ang pinaglalaban niya.
|
|
|
Post by Mhelai on Jun 15, 2007 14:21:18 GMT 8
sa broadcast studio naman nangyari ito(punong-puno ng horror stories ang eac!)
yung clssmate kong si joy, kasama yung assistant ng adviser namin na si maam tonette, nasa editing room. as usual edit-editan ang mga lola. nagkakasayahan pa nga sila dahil nakakatawa yung film na ineedit nila(short film titled: ang mahiwagang suklay ni melay).
then all of a sudden, nagkarun ng blackout sa buong skul. nagsigawan ang mga students. kasama na kami na nasa classroom (E5408A). nakikiepal na lang ang inyong abang lingkod para "in" sa nangyayari. ang di ko lam, may nangyayari ng kababalaghan sa studio namin.
dahil nga namatay na ang ilaw ng studio, naghawakan na ng kamay sina joy at tonet. open book kasi sa aming mga masscom na may multo run. then, nung palabas na sila ng room, may bigla silang narinig na click. then, the temperature dropped. kinilabutan na sila. itong si joy na takot sa dilim, inilabas ang cp sa bulsa ng jeans niya. ginawa niyang ilaw yun para nga di na siya gaanong matakot. as it turns out, sana di na lang niya ginawa yun. kasi nakita nila yung dapat e di nila makita.
a sillouette(tama ba spelling ko??)of a woman is standing in front of the door. nakahawak siya sa doorknob. nakatalikod sa kanila. mahaba yung buhok na kulot at sabog. syempre, nagsisisigaw sila. tumawag si joy amin na nasa taas. ako ang nakontak niya.
"Heyow!" sabi ko.
"Babain nyo kami rito lhai! please!" sabi niya.
nung magtatanong na sana ako kung bakit ganun yung boses niya, bigla na lang siyang sumigaw then the line went dead.
pagpunta namin run ng obviously, partner ko na si marx na hinila ko lang, sarado yung studio. nung subukan kong buksan, it was locked. kaya ang sinasabi ko, buksan nila. kaso, parang di nila kami naririnig. sigaw lang ng sigaw ang mga bruha.
noon na kumilos si marx at tumakbo paakyat. kinuha yung susi sa adviser namin. naiwan ako na sinusubukang buksan yung pinto, to no avail. narinig ko na parang may kinakausap sila sa loob. the after some time, bumukas na ang pinto. lumabas yung dalawa na putlang putla at pawis na pawis.
sabi nila, feeling nila nasa ibang dimention raw sila. ang init raw kasi sa studio kahit na malakas ang hangin. medyo magulo. tapos yung babaeng nakita nila, ang pula ng mata. at nakangisi raw. napakacreepy raw ng hitsura kaya sigaw sila ng sigaw. tapos dumating pa raw sa point na nagyakapan raw sila ng todo kasi unti-unting lumalapit sa kanila yung creepy woman na iyon.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 29, 2007 16:08:47 GMT 8
yaiks! naiiyak na ako rito...shucks! mag-isa pa naman ako ngayon dito sa shop....
|
|
ninia
Junior Member
ako yan, after kong makita ang digicam namin, picture2 time!!!
Posts: 84
|
Post by ninia on Jun 29, 2007 16:24:21 GMT 8
siskas!!! katakot, ate mhelai!!!
|
|
ninia
Junior Member
ako yan, after kong makita ang digicam namin, picture2 time!!!
Posts: 84
|
Post by ninia on Jun 29, 2007 16:24:55 GMT 8
ayan, sa sobrang kilabot, nagkamali pa ako ng spelling... siyaks un...
|
|
|
Post by Mhelai on Jun 29, 2007 16:26:47 GMT 8
magaling pala akong maglahad ng ghost stories. subukan ko kayang maging ghost writer ng precious???
|
|
ninia
Junior Member
ako yan, after kong makita ang digicam namin, picture2 time!!!
Posts: 84
|
Post by ninia on Jun 29, 2007 16:45:40 GMT 8
ako naman ang magkukwento...
HaPpY BeDay PreSenT!
this happened nung beday ng classmate ko, si Aika.. sa labas pa lang ng classroom, nagsigawan na kami ng happy birthday tapos, kinantahan na namin s'ya.. mga four na nun ng hapon, last subject na namin, filipino pero wala pa kasi kaming professor.. kaya aun, kaguluhan to the max kami..
tapos, dumating na yung professor namin, nsa kalagitnaan kami ng discussion nung lumabas ung isang classmate ko (Aika ung name) para sagutin ung fone nya... tinanong ng prof namin kung sinu-sino yung lumabas. sabi namin, si Aika lang po. sabi nya, hindi, may kasunod syang lumabas.. pinagpilitan naming, iisa lang ung lumabas pero sabi ng prof ko, dalawa daw talaga yung nakita niya.. hanggang sa tumuloy ang pagkukwento ng professor ko tungkol sa mga ghost experiences n'ya.. sabi pa n'ya, sa demonyo daw yung mga multo at maligno..
ito namang kaibigan ko, na itago na lamang natin sa pangalang: Tonne (na malupet makaramdam sa mga supernatural beings na tulad ng mga multo, maligno at kung anu-ano), sinubukan niyang makipagcommunicate sa mga di nakikitang nilalang, para daw kasing may nararamdaman siya sa loob ng classroom namin kaya sinubukan nya.
sabi pa nya, kung meron daw dun sa classroom, magparamdam daw sya, hawakan ung kamay niyang nilagay niya sa likod nya.. after some time, walang nangyari sa pagtawag niya.. babalik na sana si Aika sa upuan nya pero umupo dun ung isa ko pang classmate kaya tumabi na lang siya kay Tonne..
Si Aika talaga ang may third eye.. minsan, bigla na lang 'yong hindi magsasalita pero 'pag lumipas na ang ilang oras, saka nya sasabihing may nakita siya. Ayon, habang patuloy sa pagkukwento ang professor namin, biglang napatili si Aika, sabay takbo naman palabas ng classroom ni Tonne!!
Syempre, nagulat kaming lahat, nakita namin, nakaluhod na si Aika sa floor! tinanong namin kung anong nangyari, umiiling lang si Aika. pinilit namin s'yang magsalita. after nyang makainom ng tubig, naupo na ulit sya. bumalik na rin si tonne sa loob ng classroom.
una naming kinausap si tonne, sabi nya: may narinig daw syang bumulong! sa may right side nya (nasa right side din nya si aika). boses lalaki.. (wala nga pala kaming lalaki sa room, dahil ang nag-iisa naming lalaking classmate, absent nung araw na un).. tinanong ni aika si tonne..
narinig mo ba? tanong ni aika
narinig ko, pero hindi ko naintindihan.. sagot ni tonne..
sabi niya sa'kin, happy birthday.. sagot ni aika. naramdaman niyang may humawak daw sa likod nya bago nya narinig ung bulong... "Boses 'yon ng lolo ko..."
siyaks!!! tenk yu naman sa lolo ni aika! bigla kaming napauwi ng maaga dahil nagpanic ung mga classmates ko...
|
|
uzzaper si alyssa
Full Member
pipol h8 me coz im a hartbrker liar. dey nver knew s dat b4 i bcme dis d**n me somebody broke me too
Posts: 522
|
Post by uzzaper si alyssa on Jun 30, 2007 12:34:46 GMT 8
naku..ninia...tumataas ang mga buhok ko sa ulo...ehhehehe
|
|
ninia
Junior Member
ako yan, after kong makita ang digicam namin, picture2 time!!!
Posts: 84
|
Post by ninia on Jun 30, 2007 19:45:59 GMT 8
wag kang mag-alala alyssa, kahit ako, habang tina-type ko 'to, hindi ko maiwasang hindi tayuan!.... tayuan ng balahibo!!! naalala ko kc eh.. ehehehe
|
|
|
Post by avonski on Jul 2, 2007 9:58:35 GMT 8
Ah oo ngapala. Eto may kwento din ako. kakukwento lang ito ng prof namin sa English kanina kaya mainit-init pa. it happened daw last Friday. ito daw ang first time na nangyari na hindi siya makapaniwala.
It started nung naghihintay daw siya sa isang room sa fourth floor.(ay naku, napakaraming kwento nitong room namin na 'to na ginagamit namin every 7 in the morning)It was her 3:30-5:00 class. Nilalamig na raw siya kasi nakabukas pareho yung dalawang aircon. She was waiting there and take note, MAG-ISA LANG DAW SIYA.
She was waiting for her students at nagbasa-basa daw muna siya. then may dumating daw na 2 nursing students na biglang nabuksan yung pinto. akala kasi nila walang tao at dun yung room nila. so they apologized. pero bago daw umalis sumilip daw yung dalawa dun sa salamin na part ng pinto.
So dumating na daw yung students na inutusan niya. they decided to go out na kasi madilim na and it was about to rain daw then.
pagbaba nila ng third floor, nakita ulit nila yung 2 nursing students. they were looking daw differently at her. so tinanong niya.
"Eh ma'am, sorry po talaga kanina, may klase pala kayo."sabi nung dalawa.
so nagtaka siya pero natawa narin. she was thinking of something that time kaya hindi na daw niya pinansin.
"Pero ma'am bakit ang crowded ng klase nyo?"sabi ulit nung dalawa.
so hindi na siya nakatiis. feeling tuloy nila pinagtitripan siya nung dalawa.
"What do you mean? eh mag-isa nga lang ako don?"sabi niya.
nagtaka daw yung 2 students. then she was literally terrified sa sunod na sinabi ng mga ito. akala nga niya pinagtitripan lang siya ng mga ito. but they were really scared daw both. makikita mo naman daw yon sa mukha ng tao kung nagpapanggap lang...
"Eh ma'am naman. kitang-kita naman namin puno yung klase nyo. nung sumilip nga kami dun sa salamin puro ulo eh."
|
|
|
Post by kassandra on Jul 2, 2007 12:50:16 GMT 8
hay...kakatalot naman ng mga kwento nyo...parang ayaw ko na tuloy ipagatuloy ang pagbabasa....
|
|
ninia
Junior Member
ako yan, after kong makita ang digicam namin, picture2 time!!!
Posts: 84
|
Post by ninia on Jul 2, 2007 13:54:56 GMT 8
nyay! katakot!!!
|
|