|
Post by len on Feb 20, 2007 0:03:48 GMT 8
[glow=red,2,300] guys!
para sa inyo ang thread na to.. sa mga adik kay sadako at kauri nito.. share that story.. and your horor story! [/glow][/center] =================== madami akong horor stories na isheshare sa inyo... wag kayong kukurap.. ang dati naming haus, na nka tayo sa likod ng haus nila ace ay may nakatirang 7mumu at 1chanak! mabait naman sila at di nanakit samin, mabait kc kami sa kanila.. pero sa iba.. ewan ko lang nananakot ata sila eh.. un haus namin eh me puno ng chico sa harap noon, mayadong mapuno kaya madilim sa lugar na yun kahit tirik ang araw.. sabi nga nila.. basta malapit sa ilog, or basta dinadaluyan ng tubig ang isang bahay, siguradong me nakatira dun na ibang nilalang... ayon sa aming mga kapitbahay, pag patak ng alas sais, ay me lumalabas na whitelady sa puno ng chico at pag pasikat na ang araw eh dun din sya nawawala. sa ngayon, wala na un puno ng chico, wala na din ang mayayabong na mga puno.. pero bakit ganun? parang balot pa din ng dilim ang lugar na yun? wala na silang matirhan kya naki board na lang sila sa amin.. at dahil ngayon, giniba na ang haus namin, wala nanaman silang tirahan.. sabi ng mga kapitbahay namin pag hatinggabi.. palakad lakad sila sa paligid ligid ng mga haus nila, ewan ko kung bakit di sila tumitira sa mga bahay nila.. oo nga naman, kung makikitira sila kina ace, di makaka tiis ang mga yun dahil sa mala megaphone na boses ni ace, lalayas tiyak ang mga yun! si casper ata ang fave character ng mga yun, wala silang magawa kundi manggudtime ng mga tao.. pati ako.. ginugudtime na din nila, miss na ata nila ako eh.. tama ba naman na pag naka tambay ako sa haus nila ace ay sinusutsutan nila ako? or tatawagin sa pangalan ko na gamit ang boses ng mami ni ace? at kung minsan.. kahit sa banyo biglang kakatok? sabay pa kami ni ace na lalabas. sya sa rum nya at ako sa banyo? at mag tatanungan ng ganito? "bakit mo ako kinatok? me kelangan ka ba?" tama ba naman yun kung kami lang dalawa ang tao sa loob ng haus? tama na nga muna to.. hatinggabi nanaman at natatakot na ako sa pinag gagagawa ko! ;D nextime.. kwentuhan ko kayo ulit!
|
|
|
Post by len on Feb 20, 2007 14:42:06 GMT 8
nun nasa high school pa ako, me isa akong panaginip na di ko makakalimutan ever! sa aking panaginip.. akoy nananalamin sa antigong salamin con aparador ng aking yumaong lola sa tuhod. favorite namin ang salamin na yun.. dahil sa antigo na.. ang lahat ng tumitingin dun ay sauper maganda.. di nag sisinungaling dahil maganda talaga ako.. di tulad ng mga salamin ngayon!.. ay nako, parang naglolokohan lng kau ng salamin! back to my panaginip.. paikot ikot ako sa harap ng salamin.. pangiti ngiti pa ako.. naka focus ako sa pag tingin kung bagay ba ang suot kong bagong damit, ng biglang.. binangungot na ata ako.. bakit ganun? ng mapa lipat ang tingin ko sa mukha ko sa salamin.. nanlaki ang aking mga mata ..ang reflection ko sa salamin ay di sa akin naka tingin! naka paling ang mukha sa kanan.. na parang me tinitingnan sya doon.. kakatakot.. buti na lang nagising ako.. (hingal hingal) simula noon, ayoko ng matulog na me nka harap na salamin.. kung makikitulog ako sa ibang haus at nka harap sakin ang salamin... tinatakpan ko ng towel! natatakot ako!..
|
|
|
Post by avonski on Feb 23, 2007 17:45:03 GMT 8
hehe! ako rin meron. kaya lang hindi ko sure kung nakakatakot.
nung nasa elementary pa ako, member ako ng aming drum and lyre band as majorette. Nung time na yun, nagdaos ng Bingo ang school for the benefit ng banda. I was in grade 5 that time.
Inabot ng gabi yung laro. So kami namang mga bata, naglisaw-lisaw muna sa campus. Then inutusan kami nung isang teacher na kumuha pa ng isang lyre sa music room.
yung music room ay located sa likuran ng school, katabi ang building ng grade 6 and 5. Kasama yung room namin.
So bago nagsimula ang Bingo, nakalock pareho yung pinto ng dalawang rooms.
pumunta kami ng music room para kunin yung lyre. Madilim na nun. Ang ilaw lang ay nanggagaling sa stage-mga 10 meters din ang layo mula sa pinuntahan namin. Tapos yung ilaw ng poste sa likurang bakod.
So nakuha naman namin yung lyre ng walang aberya. Edi nasa itaas na kami. Nang may mapansin kami sa room ng grade 6.
Bukas ang pinto...
at may batang lalaki na nakaputi....
nakasandal sa hamba ng pintuan.
Inisip namin na reflection lang yun ng ilaw. So binalewala namin. Pero kung kayo ang nakakita, halatang tao talaga yung makikita nyo.
After ilang minutes, bumalik kami dun sa room na yun.
And the door was still locked.
|
|
|
Post by len on Feb 23, 2007 23:15:46 GMT 8
ako meron din pang horror story sa campus.. ewan ko ba kung bakit fave ako pag pakitaan ng mga friends ni casper..
sa college building ng siena college.. nasa second floor kami noon.. mga 6pm na at patapos na ang PE Class. wala ng mga estudyante dahil gabi na, bukod sa mga me PE. napapa wee wee ako nun, so mag isa ako nag punta sa cr. kumukurap kurap pa ang ilaw sa corridor. mejo malayo din sa room ang cr na nasa dulo ng corridor, makipot ang daan patungo sa cr kc me maliit na room doon para sa office ng student council. at dahil walang bintana ang room na yun, nilagyan ng jalousy un room na mga dalawang dipa ang lapad. kung maglalakad ka.. ganito ang porma papunta sa cr.. isang vanity mirror sa leftside mo na kasing lapad at haba ng jelousy na bintana sa rightside.. sa dadaanan mo kasya maglakad ng 3tao ng pantay pantay... kaya nga pwedeng me mga nananalamin habang me dumadaan.. balik sa kwento.. nun dumaan ako, napatingin ako sa salamin, syempre as usual mag papa cute nanaman ako sa sarili ko ng mapansin kong bukas ang bintana.. malimit naman kc bukas un dahil nga mainit sa loob. habang nag mumuni ako sa salamin me napansin akong reflexion na naka taklob ng puti na mejo kasing taas ko na.. so naisip ko bka standfan lang na tinakluban para di maalikabukan. ewan ko ba kung bakit lumingon pa ako sa rightside.. teka.. bakit wala sa akong nakikitang kahit ano na me taklob na telang puti? ay nako.. tayuan ang balahibo ko sa batok.. di na ako tumingin ulit sa salamin.. nag retreat na ako at di na nag cr pa! deadma ako pag pasok sa rum.. humihingal pa ako sa sobrang bilis ng takbong ginawa ko... di ko na nikwento sa mga classmates ko.. wala kasing gawin ang mga yun kundi pag kwentuhan ang mumu sa dormitory eh.. ayoko ng dagdagan ang takot nila. hehehe..
|
|
|
Post by Mhelai on Feb 28, 2007 18:57:13 GMT 8
kagabi to nangyari pero di sa akin kundi sa kaklase ko. nangyari ang lahat sa magdalo office.
ten oclock na pero andun parin yung kaklase ko kasama yung eic nila pati ung dalawang artist nila. natatype ng articles sa newspaper yung kaklase ko para dun sa newspaper na project ng grupo niya sa print media. tapos ganun rin yung eic nila. nung matapos nila ang patatype, automatiocally, magpiprint na sila. but something wierd happened. yung printer bigla na lang di gumana. tapos yung font ng tinype ng kaklase ko nagiba. its like someone iis playing on their behalf. nagtakbuhan siola palabas ng office.
one time naman, naiwan yung kaklase ko magisa sa office na nagoovertime. paalis na sya nun pero syempre banidosa tumingin muna sa salamin(compact mirror) niya. yung buhok nya nilagay niya sa isang side ng balikat niya. let me tell you na ung nasa likod nya ay kulay green cabinet. habang tumitingin sya sa salamin nya, she saw a very thick thingy na kulay black. parang buhok na straight na straight. bigla nyang naisara yung compact mirror niya at tumingin sa likod nya but nobody was there except for the green cabinet. kinilabutan raw sya at dali-daling umuwi na.
|
|
|
Post by Mhelai on Feb 28, 2007 19:33:00 GMT 8
sa room naman namin to... last sem lang nangyari.
were having a class at that time... 4-5 ang klase namin. malamig na ang panahon dahil pasok na sa "ber" months. everyone is so maingay. lahat may kadaldalan. even me. kausap ko yung kaklase ko na ipinagkakalat na active ang third eye nya. he even said na meron daw mumo sa mismong room namin. dahil fanatic ako ng mga ghost stories, nagpapakwento ako ng mga experiences niya. pero everytime na nagpapakwento ako, he always makes excuses. tapos nalaman ko na lang na takot sya kasi lagi syang tinatakot ng mga mumo...
balik sa kwento ko...
nagdidiscuss yung prof namin bout newspaper management when suddenly, i noticed that the temperature from the room dropped to the lowest level. di ko pinansin dahil nakaaircon kami. i shouted to my classmate na katabi nung aircon na hinaan ang ac. sabi niya nakalow naman na raw. then i noticed my classmate, the one who has an active third eye, fidgeting his nails. napakaawkward na gawin niya yun. tapos nakikita kong namumutla sya. i ask him what the matter was... sabi niya wala lang... pero di ako naniwala. i ask him kung may kakaiba ba? sabi niya oo.. then sabi ko... "i thought so.." nagulat sya sa sagot ko kaya nagpaliwanag ako. sabi ko nakakaramdam ako ng kakaibang presence sa room. den, i felt my hair on the back of my head stood up.. lalong namutla yung kaklase ko.
tapos may isa pa akong kaklase na nakatingin sa pinto. sabi niya: "sino yung silip ng silip???" ako lang yung may courage na tumayo at tiningnan ko sa labas kung may tao. kinilabutan ako ng wala akong makita. then suddenly, parang nahipnotize ung classmate kong may active third eye. naluluha na ako ng di niya pinapansin yung tawag ko. tapos yung prof namin that time walang nararamdaman. kaya sabi ko kung pwedeng lumabas kaming lahat ng room. di siya pumayag kahit na may nararamdaman na siyang tensyon.
nagkagulo ng bigla na lang umiyak ung kaklase ko na may active third eye. si marx naglabas ng tubig tapos pinapainom sya pero ang sinasabi niya: "wag na kasi kayong maingay!" paulit-ulit nyang sinasabi yun. dahil ako ang katabi niya, hinawakan iya ako sa balikat. tapos sabi niya, magsori raw ako. tinanong ko kung bakit... pero ayaw na niyang magsalita.
humiyaw yung isa kong kaklaseng babae habang nakatingin sa likod ko. nang tingnan ko silang lahat ganun hitsura nila. then sabi ng kaklase kong may third eye.. "nasa likod mo siya." hindi ako tumingin at nagsori na lang ako. sabi ko hayaan na niya kami at wag sasaktan. then hinimatay yung prof namin.
kinabukasan ko nalaman kung bakit galit sa akin yung mumo. kasi raw kapangalan ko raw yung dahilan kung bait sya nagpakamatay. waaaaa... tama bang gawing excuse yun para takutin kami???
|
|
eunice
Senior Member
"release me.. i want my freedon back..!!!
Posts: 1,874
|
Post by eunice on Mar 8, 2007 19:51:49 GMT 8
heheh meron din ako hospital experience nm ang akin..
hmm ung area ko sa may molino cavite,, amy isang certain siute kmi n pingsstayan although patients rom din xa, ginait nmn xe wala nmn poatient.. so un nga everytime nlng n nagkakasayanhan or seroyoso ang usapan nmin lagi ung bathroom is nagflaflash ung toilet bowl nya khit walang tao.. then ung sa may pinto laging may kumakantok laging dalawng beses xa then parang pinagpiplitan nyang buksan ung pinto..
walan gpinipiling oras ang mumu n un xe khit hapon umaatake xa..
then may isang rum din dun tamang tama nmn eh ung gabi tumingin ako dun xe nkabukas xa im going to lock it sana kaso un mga may bantay nmn n lalaki bwisit un muntik p kong madapa..
|
|
eunice
Senior Member
"release me.. i want my freedon back..!!!
Posts: 1,874
|
Post by eunice on Mar 8, 2007 19:59:31 GMT 8
minsan din eto pa..
d2 sa house nmn pa40 days ng lolo ko hindi kmi nkpunta ng province since may pasok nga ng araw n un.. (actually c ate nhelai nkaranas ng mas malala pa d2 bhala n xang magkwento) so nung midnight na biglan may kumatok sa may taas nmin eh wala nmng tao sa baba dhil kmi lang magkakapatid ang nandun.. then umulit ulet sani ko ke mildred tingnan nya kung cno ung nsa baba ayaw nmn nya xe naduduwag..
so sbi ko tingnan mo sa bntana xe bka nandyan n c ate len (ung pinsan nmin n nagwowork at gabi ang uwi) nng sumilp za wala nmng tao.. then ung umulit ulet.. ako n ang ngalaks loob n tingnan ung kung cno man ag kumktok.. nkakapagtka xe galing sa baba eh sarado ang pinto nmin wala nmng pwede mkpasok dun sabi ko bka may sumbog n wire at nasusunog n teo..
so nung sumilip ako wala nmn.
midnight un ng 40 days ng lolo ko so cguro un ang way nya ng pagsasabi n matulog n mi kc late n nga or something..
eh naalala ko ganun nya kmi gcngin nun sa province since ang common scenario ng mga house sa province is khoy ang taas.. sa tpat ng kwarto xa sa baba lagi nagtataktak para maggcing samin sa kwarto n nsa taas..
aun lang heheh.. sana hindi maglo kwento ko..
bow
|
|
FridaMae
Senior Member
"I should stop the heart from breaking, I shall not live in vain"
Posts: 2,699
|
Post by FridaMae on Mar 11, 2007 2:51:56 GMT 8
marami rin ako nito, may mga narecord pa kaming vdeos at may photos, kasi karamihan nakuha namin sa RTV, tuwing nag oovernyt kami at paspasan sa work, as in walang tulugan. tapos ung dalawang fren ko open ang third eye, so talagang sinusundan sila, hanggang kalaunan nadamay narin kami at nakakakita narin minsan.
noong minsan magovernyt kami sa RTV, sobrang dami naming ineedit, madaling araw na kami natapos, gutom na kami noon, nagsuges ung moderator namin na bili ng food, since malapit lang chowking sa skul at un na lang bukas na kainan, so yon, 7 magkakasamang bumaba ng rtv, maingay talaga kami habang naglalakd, kwentuhan to the max, noong nasa ground flr na kami, biglang may sumigaw ng malakas, sbrang laks nag echo sa bldg.
hinanap namin saan galing yong sigaw, nagtutulakan pa kami, tapos nagjojoke na may mumu, noong nasa may gate na kami ng bldg, papalabas na sana kami, ung boys cr, (malapit sa frnt gate ng blg. ung cr). so ayon, napansin namin gumagalaw ung door, parang knakbog, ung door knob umiikot, nagtinginan lang kami, tapos narinig na lang namin may umiiyak, palaks ng palakas hanggang sa naging hagulhl, siguro 4 5 mins, doon lang kami nakatayo sa harap ng door, di namin alam kung anong gagawin, basta naririnig parin namin ung kalusks sa cr at ung iyak, kung di pa dumaan ung guard, di pa kami kikilos, tapos, un, sinabi namin sa guard yng nangyari, pinangtawan pa kami, imposible daw na may tao don, since di susi ung cr, para sa mga staffs lang kasi ng skul, nag insist parin kami na iopen nya, baka kung ano ng nangyari sa loob, para matahimik na kami, un, inopen nya ung cr, wala namang tao sa loob, tsaka sobrang dilim, walang bakas na may nangyari kakaiba don. binaliwala na lang namin un at tumuloy na kami sa chowking. hindi narin namin un napagkwntuhan, kasi kinabukas, may presenttion kami para sa tv prod at naging busy na uli kami, mag 1 week ung lumipas, ung isang kasama namin, mdaldal talaga, kinuwnto niya sa mga kaibigan nya ung nangyari noong gabing yon, saka lang namin nalaman, na doon pala sa may cr ni rape si rea at pinatay ng boyfren nya, nursing stud yon siya, 1996 nangyari ung crime kaya di namin alam ung story, ilang years ding di nagamit ung cr, since may history nga, at nagpapakita daw doon ung girl, hanggang sa ginawa na lang sya exclsive para sa mga staffs, akala siguro kasi ng mngemen, nag iimbento lang ng kwento mga studens.
|
|
FridaMae
Senior Member
"I should stop the heart from breaking, I shall not live in vain"
Posts: 2,699
|
Post by FridaMae on Mar 11, 2007 3:32:17 GMT 8
sa rtv din to nangyari, 2nd yr ako noon, fiesta ng skul, sa dami talagang work, pinakiusapan kami ng prof namin na mag stay na lang muna sa skul habang fiesta. kami inutusan kumuha ng mga videos, eh! noong araw na yon. ung mga asignmens ko sa araw lang, sports, pagdating ng gabi wala na akong ginagawa, at di naman ako mahlig manood ng cheerdance, kaya nagpaiwan na lang ako sa rtv, tapos tnxt ko ung barkada ko na punta don kasi daming pagkain.
dahil mga likas na sira ulo, kung ano anong pinaggagawa namin don sa rtv, si sir lui lang ang nandon, wala ung mga seniors namin, nanood ng cheerdance, tapos ung iban mascom na naiwan barkada narin namin, sa may stockrum may nahanap na candle holder (ung oldfashion style na may limang brnch) sila karla na may mga ups pa ng kandila, kaya ang spirit of the coins kami ( ung baso ayaw ipagamit samen ni sir lui, iniinuman daw yon ng mga tao, hehe). para daw di namin siya maistorbo doon na lang daw namin gawin sa recording booth ang kalokohan namin, so yon, sinunod naman namin, sabi nga ni matt, para daw may takot factor. noong nasa loob na kami, 5 lang kami! ako, si sheena, si karla, si taro at si matt. di pa man namin nasisindihan ung candle, tumunog na ang smoke dtector ng rum, weird talaga. tapos may kakaiba na talaga sa rum, parang naging sbrang tahimik, malamig na sa rtv, pero sobra pang lumamig noon tym na un. nabingi ata si sir sa tunog ng smke dtectr kaya pinalayas tuloy kami, pero trip parin naming ituloy yong kaya sa sanggu na kami tumuloy, deretso sa ofis ni taro, at tuloy sa kalokohan namin.
tapos noong nagsstart na kami, nag iba ung dating ng paligd, parang sbrang solemn, pero naglolokohan parin kami noon, sa kung anong dasal gagamitin, sino magpapray, tapos kung kani kaninong spirits lang tinatawag namin, kay jose rizal, si andres bonifacio, kalokohan lang mga tanong. tinetemp ni matt ung 3 spirits na andoon that tym na pumasok at sumali sa amin, pero, doon lang sila sa likod, ramdam talaga namin ung presens nila, ng biglang tumawa ng malakas si karla, un pala kinikiliti siya noon mumu, hinihipan un batok nya, eh don malakas ung kiliti nya. wala ring nangyari sa spirit of the coin namin, kahit anong pilit namin pagtetemp walang pumasok na mumu at nakisama sa amin, pero andon lang sila sa likod, nagmamasid. tapos paminsan lalapit tapos lalayo rin agad. nagsawa rin kami, nakakainis naman kasi.
*ung iba, saka ko na lang ikukwento, tinatamad na ako eh, hehe! hanapin ko ung mga photos at videos na me mumu. share ko sa inyo.
|
|
|
Post by len on Mar 11, 2007 13:07:24 GMT 8
speaking of 40 days... me kwento din ako jan..
nun nabubuhay pa ang lolo ko.. pag nanonood kami ng tv.. lalo na pag malapit na ang november 1 lagi nya kaming tinatakot.. kahit na takot kami.. nood pa din kami ng nood ng halloween episode ng magandang gabi bayan. lahat kami ay nag co concentrate at tutok ang mata sa TV.. eh un lolo namin eh paralitiko.. kahit na hirap syag igalaw ang kanyang kanang kaay eh nag eeffort pa din sya sa pagpili samin kung sino ang kanyang tatakutin.. tama ba naman na naka balot kami ng kumot habang naka dapa sa sahig ng sala eh igla na lang nyang hahawakan at hihilahin ang aming paa? bigla ko tuloy na miss si tatay.. un ang tawag namin sa kanya kc ayaw nya mag patawag n lolo. balik sa kwento ko.. alam nyang matatakutin kami. lagi naming sinasabi sa kanya.. pag namatay sya.. wag sya magpapakita samin at wag nyang hahawakan ang paa namin pag natutulog kami sa gabi. tawa lang ya ng tawa.. naiiyak na sya sa sobrang tawa.. (naiiyak na ako.. miss ko na sya) nasa japan ako nun, lai ko syang tinatawagan.. ako kc ang fave nya.. actually ni nanay at tatay.. dedo na sila pareho.. august na noon, magpapadala nanaman ako ng balik bayan box.. tinanong ko sya kung ano gusto nya padala ko sa kanya.. first time din sya nag request kung ano gusto nya.. kc dati lagi nyang sinasabi kahit ano na lng daw ang kaya ko. hehehe.. so binili ko naman , cup noodles lng pala ang gusto. tas un nakain pa namn nya un kc sep 2 sya namnatay. atleast napasaya ko sya bgo sya nawala. nun namatay sya ako lang ang hindi naka uwi.. kc malapit na mag expire ang visa ko.. ayaw ako bigyan ng re-entry permit kc nga 1month na lng ma eexpired na visa ko.. so aun.. parang reunion na nila un kc pati ang tita ko at pinsan umuwi from US. lagi ko na lng pinag dadasal.. a kinakausap ko sya sa isip ko na maiintindihan nya naman siguro ako kung di ako mkaka uwi.. so un na nga.. super lamig na ng panahon sa japan.. di na kami nag bubukas ng bintana kc ang lakas ng hangin at freezing na kami sa loob. ika 40days din nun ng lolo ko.. nag kukwentuhan kami ng mga friends ko sa kwarto.. sarado lahat ang mga pinto at bintana.. sabi ko after this day, pa akyat na si tatay sa heaven dahil tapos na ang 40days nya.. ng biglang me dumaan na malamig na simoy ng hangin sa aking balikat.. sabi ko.. anlamig... paki tapat sakin ang heater.. napatingin sila sakin kc katabi ko pala ang heater kung san ko naramdaman ang lamig.. at san nga naman dadaan ang malakas na hangin kung.. nakasara lahat ng dadaanan nito. sabi ng isang pinsan ko.. di ka din natiis ng lolo mo na dalawin dito sa japan.. bigla din akong napangiti.. nagsalita na lng ako ng malakas sabi ko.. buti na lang.. di mo hinawakan ang paa ko. hehehe..
|
|
|
Post by Mhelai on Mar 12, 2007 19:05:55 GMT 8
katatapos lang ng 40 days ng mangyari ito.
madaling araw na ng magising ako dahil sa tunog ng radyo. lola ko kasi ang hilig magbukas ng radyo pag sapit ng 3-4 am dahil nakikinig sya ng isang particular na program na nagsasabing nakakapagpagaling raw sila ng sakit na as usual di ko pinaniniwalaan(skeptic ako wen it cums to those stories)syepre bugnutin ako and everything .. plus the fact na nasira ang tulog ko, (e maganda pa naman yung panaginip ko nun..)nagdadabog akong umakyat paakyat ng second floor at dumiretso sa kwarto ko. at that time kasi nakikitulog ako sa kama ng tita namin na opposite lang ng kama ni lola.(take note: ung kama kung san natutuilog si lola, dun mismo namatay si lolo).. so ayun nga umakyat ako sa kwarto. tapos humiga ako. e hindi na ko makatulog nun kaya kumuha ako ng pocketbook(adik talaga!)sa side table sa labas ng kwarto. paglipat ko sa isang page ng pb, naramdaman ko na gusto kong maglabas ng kinain(oo.. natatae ako!) e di bumaba ako at pumunta ng cr.
before that, let me tell you na dalawa ang door ng haus namin. ung isa sa may tagiliran ng haus. ung isa naman sa likuran. katapat ng kwarto nina lola na cum tindahan na rin. paglabas mo ng pinto sa likod makikita mo agad ung poso sa may di kalayuan. tapos may mahabang papag sa kanang side na pinaglalagyan ng mga timba at palanggana at kung ano2ng tsuktsak chenez.. tapos sa kaliwa mo yung cr na. lakad ka lang ilang hakbang nasa tapat ka na ng pinto ng cr..
lets go back to my story...
paglabas ko ng pinto, duiretso ako agad ng cr. natatandaan kong isinara ko yung pinto. i checked it pa nga ng mga two times kasi baka makapasok yung mga aso namin. i was sighing habang nakaupo sa trono ng bigla kong maramdaman ang malamig na hangin. malamig na nun kasi malakas ang hangin plus nasa ber months na kaya naman ipinagwalang bahala ko na lang. e kaso, nararamdaman ko na habang tumatagal palamig ng palamig yung temperature. kaya kinabahan na ko.
then suddenly, i saw a shadow... then i heared someone open the door. narinig ko kasi yung creak ng pinto so i pressume na may pumasok. i thought it was a burglar kaya naman, nagmadali akong maghugas ng... alam mo na.. sabi ko, baka may gawin sa lola at tita ko yung magnanakaw panu na ko???(haha.. selfish!)
nagtaka ako ng makita kong bukas yung pinto ng ilang centimeters. tapos pagpasok ko, nakita kong himbing na yung lola at tita ko sa pagtulog(natulog na ulet si lola kasi tapos na yung program na pinapakinggan niya)nilibot ko yung haus. pero kami lang tatlo ang nandun. kinilabutan na ko. i wake up y tita and ask her if someone got into the haus. sabi niya wala. then i told her everything i experience. sabi niya.. si tatay yun. ikaw kasi nagdabog ka paayat. napanaginipan ko pa naman siya...
ang ginawa ko kinuha ko ulet yung unan at kumot ko sa kwarto at tumabi ulet sa tita ko.
|
|
|
Post by Mhelai on Mar 12, 2007 19:18:53 GMT 8
mas malala to.. nung 40 days nangyari.. mas malala sa nangyari kila eunice na ikinuwento na niya rito.
umaga sya nangyari around 8-9 am. pumunta ng sementeryo sina tita, lola at papa. ako si tamad, di sumama. kasama kong naiwan si mama na noon ay nagsasuffer sa sore eyes. nakashades pa nga sya e. nasa tindahan kaming pareho. dalawa lang kaming natira sa haus nun.. at ang hangin.. malakas! at malamig. sa katunayan nakasweater kami.
yung tindahan may dalawa ring door. ung una sa isang side at yung isa kaharap ng back door na papunta ng cr. parehong bukas ung mga pinto. sobrang lakas ng hangin nun. kaya naman ndi ko alintana kung sobrang lamig rin ng temperature.
one time narinig ko ung door na sumara. nakita ko nga rin na nakasara na e. sabi ko hangin lang yun. e katamaran, d ko pinakialaman at ibinaling ko ung paningin ko sa harap ko, pero tumingin ako ulet sa door na yun. i was shock wen i saw na nakabukas na ulet yung pinto! in a split seconds! e di naman tumayo si mama sa pagkakahiga sa upuan na katabi ko lang so i ask her calmly kung binuksan niya yung pinto. she said no.. then she told me na before that she could feel the temperature dropping. yung feeling nya raw para syang nasa loob ng ref. hindi nya lang raw sinabi sa akin kasi baka matakot ako. hindi ko nalang sinabi na i was feeling the same thing.
nung hapon na yun dahil sa experience namin na yun pumunta si mama ng cemetery.
|
|
rhyzie
Full Member
...i am NOT a HUMAN, but a DOLL, feelings are NOT needed. PHYSICALLY alive, but not MENTALLY...
Posts: 582
|
Post by rhyzie on May 25, 2007 12:15:44 GMT 8
hehe ako din meron... d nmn xa nakakatakot nakakatawa nga eh,but pede n pagtiyagaan...
we were on our junior year (college) nun... ang class nmn is from 7-8.30 ng gabi... well, kmi n lng ata ung nag ka-class s building n un... so, un nga nag ka-klase kmi nun, nung may napancn ako sa may hallway sa labas ng room nmn... then i said "there's someone outside" (i have this habit of saying outloud ung mga things n nsa icp ko, without me realizing it) eh, narinig ng katabi ko ung cnab kong un kya napatingin n din xa s labas ng room... she ask me "hindi nga?? bruha kah, nananakot ka nmn"... i replied "d ako nananakot noh, i'm just telling the truth." kya itong clsm8 ko n guy n nsa unhan nmn turned to us and said... "parang may tao ata sa labas" eh ji-noke ko ung clsm8 ko sabi ko "oo meron nga, ung babae n pinatay dto sa room ntn" namutla bgla ung clsm8 ko "hindi nga?" itong c gagang ako, pnagpatuloy ung pagbibiro "oo nga, mayamaya papaok n un dito kc dto xa pnatay" tapos aun, my clsm8 started crying na sabi pa "ui hndi nga kc nakita ko tlaga ung babae dun sa may fire extinguisher, hnd nmn xa un dba" kya napatingin kami uli sa labas then nakita nmn ung shadow ng isang girl s may fire extinguisher malapt sa stairs... kaya aun lalong umiyak ung clsm8 ko n guy... napancn nung teacher ko ung commotion nmn kya tinanong nya kmi "bkit umiiyak yang c mr. onte?" sabi nmn "eh kac mam may tao sa labas" ung isang clsm8 ko lumabas tapos lumingon-lingon ang sabi pa "eh, mam wala nmn eh" lalo png lumakas ung iyak ng clsm8 ko kya sabi nlng nmn hind "tao un niloloko k lng nmn" knt papano tumigil nmn xa s pag-iyak...
pero alam nmn lahat n ung nga ung babae n pinatay dun sa room nmn n un, n hinatak p ung body sa kung sasan pang part ng building n un... sa tuwing papasok kmi dun, talagang malamig khit hnd nmn aircon... at hind lng un ang inccident n nangyari ung mga ganung things samin... marami pang time n nagparamdam samin ung babaeng un n pinatay sa room nmn n un... actually na-televise pa nga, i think sa tv patrol un... high school pa ko nung mangyari ung pagpatay dun sa babaeng un... but until now, wla p din makalimot kc nga until now, nagpaparamdam p din ung babae...
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 9, 2007 19:45:18 GMT 8
sa room naman namin to... last sem lang nangyari. were having a class at that time... 4-5 ang klase namin. malamig na ang panahon dahil pasok na sa "ber" months. everyone is so maingay. lahat may kadaldalan. even me. kausap ko yung kaklase ko na ipinagkakalat na active ang third eye nya. he even said na meron daw mumo sa mismong room namin. dahil fanatic ako ng mga ghost stories, nagpapakwento ako ng mga experiences niya. pero everytime na nagpapakwento ako, he always makes excuses. tapos nalaman ko na lang na takot sya kasi lagi syang tinatakot ng mga mumo... balik sa kwento ko... nagdidiscuss yung prof namin bout newspaper management when suddenly, i noticed that the temperature from the room dropped to the lowest level. di ko pinansin dahil nakaaircon kami. i shouted to my classmate na katabi nung aircon na hinaan ang ac. sabi niya nakalow naman na raw. then i noticed my classmate, the one who has an active third eye, fidgeting his nails. napakaawkward na gawin niya yun. tapos nakikita kong namumutla sya. i ask him what the matter was... sabi niya wala lang... pero di ako naniwala. i ask him kung may kakaiba ba? sabi niya oo.. then sabi ko... "i thought so.." nagulat sya sa sagot ko kaya nagpaliwanag ako. sabi ko nakakaramdam ako ng kakaibang presence sa room. den, i felt my hair on the back of my head stood up.. lalong namutla yung kaklase ko. tapos may isa pa akong kaklase na nakatingin sa pinto. sabi niya: "sino yung silip ng silip???" ako lang yung may courage na tumayo at tiningnan ko sa labas kung may tao. kinilabutan ako ng wala akong makita. then suddenly, parang nahipnotize ung classmate kong may active third eye. naluluha na ako ng di niya pinapansin yung tawag ko. tapos yung prof namin that time walang nararamdaman. kaya sabi ko kung pwedeng lumabas kaming lahat ng room. di siya pumayag kahit na may nararamdaman na siyang tensyon. nagkagulo ng bigla na lang umiyak ung kaklase ko na may active third eye. si marx naglabas ng tubig tapos pinapainom sya pero ang sinasabi niya: "wag na kasi kayong maingay!" paulit-ulit nyang sinasabi yun. dahil ako ang katabi niya, hinawakan iya ako sa balikat. tapos sabi niya, magsori raw ako. tinanong ko kung bakit... pero ayaw na niyang magsalita. humiyaw yung isa kong kaklaseng babae habang nakatingin sa likod ko. nang tingnan ko silang lahat ganun hitsura nila. then sabi ng kaklase kong may third eye.. "nasa likod mo siya." hindi ako tumingin at nagsori na lang ako. sabi ko hayaan na niya kami at wag sasaktan. then hinimatay yung prof namin. kinabukasan ko nalaman kung bakit galit sa akin yung mumo. kasi raw kapangalan ko raw yung dahilan kung bait sya nagpakamatay. waaaaa... tama bang gawing excuse yun para takutin kami??? mhelai naman eh. natakot na ako sa dulo tapos humirit ka pa. natawa tuloy akong bigla. sige, magbabasa pa ako..okay to ha? bakit ngayon ko lang naisipan madalaw dito? puwede natin to compile tas ipasa natin sa precious. 200 per page ang labanan ng horror stories dun. shing! shing!
|
|