|
Post by jluvlenskie13 on Dec 27, 2006 10:30:41 GMT 8
punta ka na sa PHR outlet. ngaun cgurado me LC6 na!
|
|
|
Post by Mhelai on Dec 27, 2006 14:55:57 GMT 8
ngaun ang labas ng LC6. si reiji raw ung bida sabi ni ate che... anyways leila, welcome to planet indigo. ang planetang pinamamahalaan ni reyna cherie. nyahahahhahah....
|
|
|
Post by jluvlenskie13 on Dec 28, 2006 3:10:28 GMT 8
kainis.. sa january pa daw magkakaron nito sa sm dasma.
|
|
angelle
Full Member
im just here
Posts: 979
|
Post by angelle on Dec 28, 2006 12:48:24 GMT 8
Huh? Hanggang #5 na ang Los Caballeros! OMG! 3 pa lang ang nabibili ko! Hmmm... paano ko kaya mabibili! vote kapa me ala pa tlga nabibili na LC
|
|
|
Post by Mhelai on Dec 28, 2006 15:08:19 GMT 8
ngek... pinagmadali si ate len? ?n wag ganyan... wala pa nga rin daw sa sm sucat e. kagagaling ko lang run. baka next week nga labas ng los caballeros 6. kainis naman!
|
|
maricon
Senior Member
mabuhay tayo!
Posts: 1,204
|
Post by maricon on Dec 29, 2006 14:22:01 GMT 8
kaasar gusto ko na mabasa yung lc 6!
|
|
Leila
New Member
anime fanatic
Posts: 42
|
Post by Leila on Dec 29, 2006 14:32:20 GMT 8
punta ka na sa PHR outlet. ngaun cgurado me LC6 na! gusto ko sanang pumunta dun pero di pwede kasi..... malayo!!!! Nasa province ako. huhuhu!
|
|
Leila
New Member
anime fanatic
Posts: 42
|
Post by Leila on Dec 29, 2006 14:40:29 GMT 8
Huh? Hanggang #5 na ang Los Caballeros! OMG! 3 pa lang ang nabibili ko! Hmmm... paano ko kaya mabibili! vote kapa me ala pa tlga nabibili na LC Mas masakit pa pala sa iyo! Magpapabili na lang siguro ako kasi naubos na raw iyong LC 4 & 5 sabi nung suki tindahan ko! KALUPIT!
|
|
Leila
New Member
anime fanatic
Posts: 42
|
Post by Leila on Dec 29, 2006 15:01:36 GMT 8
** LOS CABALLEROS**# 1. BASTA PARA SA'YOSi Yuna ang tipo ng babaeng once in a blue moon kung umibig. Kaya nang mabigo siya sa unang lalaking kanyang minahal, nasaktan talaga siya nang husto. The night she broke up with her boyfriend was also the night she promised herself she would never fall in love again. But it was also the same night she met Duke, the guy whose favorite hobby was sleeping. Pero sa kabila ng iritasyon niya rito dahil sa hobby nito, hindi pa rin niya maiwasang isipin that there was more to him than met the eye. She was right. Dahil kahit ano'ng gawin niya, hindi pa rin niya napigilan ang sariling magmahal uli-sa katauhan nito. Pero ano ngayon ang gagawin niya nang sinabihan siya nitong boring daw na maging girlfriend siya? Sampalin kaya niya ito ng magising ito sa katotohanang may gusto rin ito sa kanya? Hmmm... the very first one! Author's note of ate cherie e parang nagulat ako kasi nagbabasa pala siya ng mga sulat ni Bob Ong! Love ko rin iyong ABNKKBSNPLaKO! Read ko na lahat ng 3 books ni Bob Ong! Pinabili ko lahat at nagwalaan din lahat dahil sa mga bwisit na humihiram na di nagsosoli. Di ko alam kung iyong mga bida na lalaki sa LC is based on the anime Prince of tennis coz naiimagine ko iyong mga habit at qualities nila. Like Duke.. He reminds me of Ryoma Echizen. Siya iyong bida ng anime.. he's a prodigy at laging (almost) natutulog! Noong una akala ko si Fuji... di pala!
|
|
Leila
New Member
anime fanatic
Posts: 42
|
Post by Leila on Dec 29, 2006 15:10:30 GMT 8
** LOS CABALLEROS**# 2. SIMPLY MEANT TO BEMula sa langit ay biglang may bumagsak na lalaki sa bahay nina Maige. Ang nagpi-feeling si Superman ay walang iba kundi si Alexiel Abrevega, isang guwapo at mayamang businessman. Doon ito dinala ng hangin nang mawalan ng kontrol ang parachute nito. Sa pinagbagsakan nito ay may nakita siyang kuwintas na may nakasabit na dalawang singsing. Naisip niyang marahil ay sa binata iyon kaya nagpasya siyang isauli iyon. Ngunit hindi na matanggal sa daliri niya ang isang singsing nang subukan niyang isukat iyon. "Bakit suot mo iyan?" tanong ni Alexiel sa kanya nang magtungo siya sa opisina nito upang isauli ang kuwintas. "Ayaw nang matanggal, eh!" sagot niya. "Only the woman I'm going to marry could wear that ring." Lihim na napangiti siya. Ibig bang sabihin ay siya ang babaeng iyon? Eto ang pangalawa. Cute iyong story niya!! Meron kayang lalaking kagaya ni Alexiel... waaah kapag meron waaaahhh... huhuntingin ko na! Nawindang ako sa author's note ni ate cherie dito at ang aking unang tanong "Sino kayang pangit na reptilya ang sinsasabi ni ate cherie?? Ang sarap tuhugin at gawing BBQ para mapakinabangan naman!" Di ko alam kung sinong character sa Prince of Tennis siya pwede. I'm guessing si Keigo Atobe of Hyotei Gakuen... the richest man sa PoT!
|
|
Leila
New Member
anime fanatic
Posts: 42
|
Post by Leila on Dec 29, 2006 15:18:17 GMT 8
** LOS CABALLEROS**# 3. PUSTAHAN TAYO, MAHAL KITAHigh school rivals sina Ysabella at Zultan. Wala silang ginawa noon kundi ang maglaban sa kahit anong larong maisipan nila. Nine years later, muli silang nagkita. At gaya ng dati, nagkokompitensya pa rin sila. Ngunit hindi tulad noon, ngayon ay may pustahan na sila. Because at stake were their own hearts. Paano nila paglalabanan ngayon ang isang kompitisyong pareho nilang hindi pwedeng dayain? hmmm... ang last na LC na nabasa ko so far dahil wala pa akong nabibili na LC4 at 5. waaaahhh. Eto no clue talaga ako kung sino ang pwede character sa Prince of Tennis... I'm guessing Takeshi Momoshiro and Kaoru Kaidoh of Seishun Gakuen dahil they were rival mula noong nagkakilala sila. Hmmmm.... iisipin ko pa ulit!
|
|
Leila
New Member
anime fanatic
Posts: 42
|
Post by Leila on Dec 29, 2006 15:32:47 GMT 8
** LOS CABALLEROS**# 4. MY LOVE. MY HERO Hero was Cyan's best friend. Iyon ay according lang sa kanya. Palibhasa, mga bata pa lang sila ay magkasama na sila. But he never accepted that fact ever since. Okay lang iyon sa kanya, tutal ay nakasanayan na niya iyon. Basta para sa kanya, best friend niya ito. Nagbago ang lahat nang bigla na lang siyang mawalan ng atraksyon sa opposite sex. At nalaman niya ang dahilan-- si Hero. Tuloy, parang gusto na rin niyang ipagpasalamat na laging tinatanggihan nito ang friendship niya. Atleast, walang hadlang kung sakaling pagbigyan niya ang damdamin niya rito na minsan na rin niyang naramdaman noong nasa high school sila. Would he dny her the way he had denied their friendship? waaahhhh... di ko pa siya nareread kaya di ko alam ang story niya!! But even di ko pa nababasa e may idea na ako kung sinong character sa PoT based si Hero... it's Sadaharu Inui ang pinakamatalino sa lahat!! Di ko iinumin ang juice na ginawa niya promise!!! Oh.. ate cherie, may question ako si Hero na nabanggit sa Rancho Estate ay same na Hero din ba sa may LC? Kapag nababangit ang pangalan na Hero eh lagi kong naiisip si Heero ng Gundam Wing... waaaaahhhh!
|
|
Leila
New Member
anime fanatic
Posts: 42
|
Post by Leila on Dec 29, 2006 15:40:58 GMT 8
** LOS CABALLEROS**#5. GUILTY OF LOVING YOURally had a high school crush on Inaki del Moral. Ang kaso, hind niya magawang kausapin man lang ito dahil sobrang mahiyain siya. Hanggang isang araw, dala ng sulsol ng isang kaibigan, nagawa na rin niyang lapitan ito. Pero kung kailan naman na-summon up na niya ang lahat ng kanyang lakas ng loob at kapal ng mukha ay saka siya nakatanggap ng pinakamatinding rejection mula rito. Dala niya ang mga hinanakit na iyon hanggang sa kanyang paglaki, kung saan nagbago na ang lahat sa kanya. She wasn't the timid high school irl anymore. Pero bakit nang makita uli niya ang tanging lalaki na naging bahagi ng puso niya noon ay ganoon pa rin ang nararamdaman niya? Naroon pa rin ang mga kilig at pintig ng puso na naramdaman niya noon dito. Paano na ang hustisyang hinihingi ng kanyang sugatang puso? Isa pa itong di ko pa nababasa... tapos meron na daw LC6. Asus ang lupit ng mundo ko! IƱaki del Moral reminds me of Takashi Kawamura of Seishun Gakuen . Nabanggit kasi siya sa may LC3 e kaya sigurado akong siya ang kaparehas niya sa PoT.
|
|
|
Post by Mhelai on Dec 29, 2006 15:58:14 GMT 8
ngaun ang labas ng LC6. si reiji raw ung bida sabi ni ate che... anyways leila, welcome to planet indigo. ang planetang pinamamahalaan ni reyna cherie. nyahahahhahah.... Whatttt!!! my LC6 na! 3 na ang wala sa akin. Its unfair!!! By the wat mhelai!! Love na love ko yang Papa na nasa signature mo! Iyan ang dahilan kung baket lagi akong nanood ng Charmed noon...si Papa Chris( come to think of it nakalimutan ko ang real name nya ) pero nung pinatay siya di na ako nanood. KAINIS!!! his real name is drew fuller, leila. at kung nareremember mo o kung me copy ka ng bbc batch 2 sya ang ang nakalagay as pic ni rath lagdameo. ang fafa ni miles. hi miles dear! miss na kita!
|
|
|
Post by Mhelai on Dec 29, 2006 16:00:38 GMT 8
** LOS CABALLEROS**# 1. BASTA PARA SA'YOSi Yuna ang tipo ng babaeng once in a blue moon kung umibig. Kaya nang mabigo siya sa unang lalaking kanyang minahal, nasaktan talaga siya nang husto. The night she broke up with her boyfriend was also the night she promised herself she would never fall in love again. But it was also the same night she met Duke, the guy whose favorite hobby was sleeping. Pero sa kabila ng iritasyon niya rito dahil sa hobby nito, hindi pa rin niya maiwasang isipin that there was more to him than met the eye. She was right. Dahil kahit ano'ng gawin niya, hindi pa rin niya napigilan ang sariling magmahal uli-sa katauhan nito. Pero ano ngayon ang gagawin niya nang sinabihan siya nitong boring daw na maging girlfriend siya? Sampalin kaya niya ito ng magising ito sa katotohanang may gusto rin ito sa kanya? Hmmm... the very first one! Author's note of ate cherie e parang nagulat ako kasi nagbabasa pala siya ng mga sulat ni Bob Ong! Love ko rin iyong ABNKKBSNPLaKO! Read ko na lahat ng 3 books ni Bob Ong! Pinabili ko lahat at nagwalaan din lahat dahil sa mga bwisit na humihiram na di nagsosoli. Di ko alam kung iyong mga bida na lalaki sa LC is based on the anime Prince of tennis coz naiimagine ko iyong mga habit at qualities nila. Like Duke.. He reminds me of Ryoma Echizen. Siya iyong bida ng anime.. he's a prodigy at laging (almost) natutulog! Noong una akala ko si Fuji... di pala! inspired talaga sa prince of tennis ang los caballeros leila. at ang pinakatrip ko jan ay si hero which reminds me of inui. wahahahaha....
|
|