|
Post by len on Nov 27, 2008 17:18:34 GMT 8
Stallion Series 49: Ian Jack Salmentar Madalas mapagkamalang lalaki si Naville dahil sa kanyang maiksing buhok at pananamit. Pero bale-wala sa kanya iyon dahil mas importante ang mapalago niya ang kanyang negosyo upang may mapatunayan siya sa kanyang pamilya. One day, she met Ian Jack Salmentar, Stallion Riding Club's elusive playboy. Abala ito sa pag-iwas sa mga babae nito nang mamataan siya nito. Laking gulat niya nang pakiusapan siya nito na magpanggap na lover nito. Iyon ang naisip nitong paraan upang layuan na ito ng mga babaeng naghahangad ng mas malalim na relasyon dito. Nang maglaon, hindi na niya maipaliwanag ang damdaming nabuhay sa kanya para dito...
|
|
|
Post by len on Dec 22, 2008 18:23:56 GMT 8
Stallion Series 50: Trigger Samaniego 1 Fourteen years old pa lang si Jeuliette ay itinatangi na niya sa kanyang puso ang binatilyong si Trigger. Noong unang masilayan niya ang guwapong mukha nito ay hindi na ito naalis sa kanyang isip. Subalit magkaiba ang kanilang mga mundo. Simpleng tao lang siya; samantalang ito, mabanggit lang ang pangalan nito ay nagkakaroon na agad ng komosyon. Lalo na ang mga babae. Kahit pa nga hindi ma-distinguish ng mga ito kung si Trigger o ang kakambal ba nitong si Jigger ang nasa paligid. Sa bagay na iyon, nakalalamang siya sa mga babaeng iyon. Dahil siya, sigurado siyang alam niya kung si Trigger o ang kakambal nito ang kaharap niya. Mas tiwala siya sa ibinubulong ng kanyang puso kaysa sa nakikita ng kanyang mga mata... Ngunit nang magtapat siya kay Trigger ng kanyang tunay na damdamin, nanlumo siya nang isalampak nito sa mukha niya na pagtinging-kapatid lamang ang nararamdaman nito para sa kanya...Stallion Series 51: Trigger Samaniego 2 Mabilis na nalagas ang mga dahon sa tangkay ng panahon. Waring sa isang iglap lamang ay dumaan ang maraming taon kasabay ng mga pagbabago sa buhay ni Jeuliette. Ngayon ay isa na siyang sikat na modelo at maaari na niyang ihanay ang sarili sa mga babaeng nagugustuhan ng mga Stallion boys. Isang bagay lang ang hindi nagawang baguhin ng panahon at nananatiling nakaukit sa kanyang puso magpakailanman--ang pangalan ni Trigger Samaniego. Ito ang tanging lalaking nanakit sa kanyang damdamin noon ngunit patuloy pa ring minamahal ng kanyang puso sa paglipas ng panahon...
|
|
|
Post by len on Jan 28, 2009 23:17:01 GMT 8
Stallion Series 52: Jigger Samaniego 1 Unang nagkita sina Nova at Jigger sa isang coffee shop. At hindi iyon nagustuhan ni Nova—dahil pinagmukha siya nitong tanga nang magpanggap itong may-ari niyon. At hindi rin niya gusto ang paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa mga tingin nito. Para kasing inaakit siya nito, lalo na kapag sinasabayan pa nito iyon ng pagngiti. Hanggang sa lumapit ito sa kanya. At halikan siya nang walang kaabug-abog. Nang dalawang beses. Hinayaan lang niya ito. Iyon ang eksenang naabutan ng boyfriend niya. She walked out on him to follow her boyfriend. Pero mukhang nakatakda na talagang magkasala-salabid ang mga landas nila ni Jigger na tila may kung anong puwersang nagmamanipula ng lahat.Stallion Series 53: Jigger Samaniego 2 Nova fell in love with Jigger Samaniego. Inakala niyang pareho lang ang nararamdaman nila. Hanggang sa nalaman niyang lumalapit lang pala ito sa kanya dahil kahawig niya ang isang babaeng naging espesyal dito. That was her friend Jeuliette, who was in love with Trigger, Jigger’s twin. Ang pinakamatindi, ito mismo ang nagsabi sa kanya ng katotohanang iyon. She hated Jigger for breaking her heart. Kaya mula noon ay isinumpa niyang oras na makita niya ang lalaki ay gaganti siya rito. Pinagbigyan naman siya ng tadhana. Pagkaraan ng isang taon, muling nagkrus ang mga landas nila. Tumalikod nga lang siya dahil hindi niya inaasahang titibok pa rin nang ganoon katindi ang puso niya para sa lalaking bumigo sa kanya. Lalong naging komplikado ang paghihiganti kuno niya nang tuluyan niyang makaharap si Jigger. Nalaman kasi niyang hindi pa rin pala niya tuluyang napapatay ang damdamin niya para dito. Paano na ngayon ang hustisyang hinahanap ng kanyang puso?
|
|
|
Post by len on Mar 25, 2009 0:42:44 GMT 8
Just Like Before It was a typical busy day for Danna. Abala siya sa pagtatrabaho sa kanyang specialty shop nang biglang sumulpot doon si Reuben, ang lalaking hindi niya inaasahang magpapakita pa uli sa kanya. Malaki ang atraso nito sa kanya dahil ito ang nagbigay sa kanya ng malaking kabiguan sa pag-ibig. Ngayong nagbalik ito ay may baon itong pangako sa kanya. “I won’t stay away until I make you fall for me again.” It was a battle of strength and determination. Alin ang hahayaan niyang manaig? The strength of her will or the determination of his heart?
|
|
|
Post by sheralyn on Jul 13, 2009 14:15:34 GMT 8
ala na bang next deries ang stallion ? hanggang 53 lang ba ? sana my next pa.....
|
|
|
Post by `suMMerfieL- on Aug 6, 2009 14:31:49 GMT 8
Playing Cupid ang pinagpipitaganang heneral na ama ng kaibigan ni Francey kaya ipinakilala nito sa kanya ang pamangkin nitong si Benedict. Aminado man siyang umaapaw ang karisma ng binata, hindi niya type ito, lalo na at sa una pa lang nilang pagkikita ay tila minenos na nito ang kakayahan niya bilang isang writer. Until he saved her life. Things changed. And so did her heart. Ang problema, mukhang purely business lang ang gusto nitong maging relasyon nila nang alukin siya nito ng trabaho. “I don’t believe in mixing business with pleasure. That us never a good thing,” tandang-tanda pa niya na sabi nito. Pero isang araw ay bigla na lang siyang hinalikan nito. Nasaan ang “business” doon? Jina met Frank while she was trying to win the man of her dreams. Pero ang magaling na lalaki, lagi siyang dini-distract sa kanyang pakikibaka. Ang mas malala ay siya pa ang itinalaga nitong “excuse” sa mga babaeng humahabol dito. “You are my excuse. That’s why I don’t ever want to see you get hurt by anyone. Especially that guy.” Talaga? Pero bakit mas mukha itong nagseselos kaysa nagpoprotekta lang?
|
|
|
Post by `suMMerfieL- on Aug 6, 2009 14:36:20 GMT 8
*sonia francesca's translated novel under her biological name* Desperado na si Liv sa buhay kaya nilapitan niya ang kaibigang si Ben upang humingi ng tulong. Hindi ito nagdalawang-isip at mabilis siyang kinupkop. Nag-apply na rin siyang housekeeper nito upang kahit paano ay hindi siya maging pabigat dito. Ngunit hindi lang pala sa kanyang pribadong buhay siya palpak, pati na rin sa pagtatrabaho. But Ben never complained. In fact, he even seemed fascinated with the chaos she created inside his immaculate house. Until she decided to take on a job that she knew she was good at. After all, sooner or later she would have to leave him. Dahil hindi lang ang bahay ni Ben ang nagugulo kundi pati na ang puso niya. Hindi niya maaaring mahalin ito, not with her past. Wala siyang karapatang mahalin ito.
|
|