|
Post by jluvlenskie13 on Oct 12, 2006 15:12:06 GMT 8
since madami din tayo gusto itanong kay SF.., para satin' lahat ito.... sana mag ka time sya na sagutin isa isa mga tanong natin.
|
|
|
Post by the_admin on Oct 12, 2006 20:30:48 GMT 8
since madami din tayo gusto itanong kay SF.., para satin' lahat ito.... sana mag ka time sya na sagutin isa isa mga tanong natin. mauna na ako..... pano kaya kami makaka kuha novels mo na na miss namin? wala bang balak ang PHR na mag re print? ka ano ano mo ba c jericho? (talagang nangulit.. hehehe...) aba, matino yata kayo ngayon dito. parang di kayo. hehehe darlen, my darleng, about your question...na-miss nyong novels? i really dont know. kasi kung nakarating ka na sa warehouse ng precious at wala pa rin, e wala na nga siguor talaga. pero sabi nun gbabae dun sa amin nung naghahanap kami ng mga dating titles, mas okay daw kung ung number ang sasabihin sa kanila. ung book number. nasa upper righ corner iyon ng front cover ng books.para daw mas mdali nilang malaman kung may kopya pa o wla. about reprints, siguro kung marmai ang nagre-request. kasi ung sa bbc1,ung iba kasi bbc2 na ang naabutan so marami nagrequest ng bbc1.galing ko mag-explain no? hehhe si jericho ba? nasagot ko na ito sa ibang topic eh. pero sasagutin ko uli. wala kaming blood relations ni papa jericho.buti na lnag kasi pinagnanasaan ko rin ang isang iyon hehehe. magkapangalan lang kami, at, darlen my darleng, maraming rosales sa mundo. although kaunti lang ang mga lahi ng magagadang tulad namin. ngek! wala na, korni na! uwian na to!
|
|
|
Post by the_admin on Oct 12, 2006 20:43:28 GMT 8
tanong ko, bakit po ang galing galing nyo? hehehe... kasi amzing talaga, ang bata bata nyo pa pero the best ang mga gawa nyo, hitik sa romansa, buong buo ang kwentom, totoong totoo. saan nyo po ba hinuhugot lahat ng yon? grabe! galing eh! aherm! talaga? huuuuu! huwag na kayo mambola. kayo naman. ganyan talaga ako charing! hopeless romantic lang talaga siguro ako.tsaka nung bata kasi ako, if i remember correctly, e mahilig talaga akong mag-imagine ng kung ano-ano. nakakabuo ako ng isang kuwento sa isip ko gabi-gabi. as in. tapos mahilig pa ako dun sa mga romantic comedy.ayoko ng violence, puwede pa fanstasy. tapos big no no din sa akin ang mga malalalalim na movies at babasahin. di ako maka-relate dun.un utak ko kasi, simple lang.ayaw ng kumplikadong sitwasyon. san ko hinuhugot ang mga iyon? kung talagang malawak ang imagination mo, kahit ung simpleng pagtatapon ng basura sa kalsada, malalagyan mo ng romantikong tema (hanep! 'romantikong tema' talaga!). tsaka ako kasi, mahilig din akong maghakot ng mga nakikita at naririnig ko sa araw-araw. ung mga simpleng bagay. kaya kung mapapansin ninyo sa mga gawa ko, sabi nga ng isang reader na diko na matandaan kung sino, kapag naglalakad siya sa mall ay parang makakakasalubong daw niya ang mga karakters na sinusulat ko.kasi nga, talagang sa mall ko lang nadadampot ang mga eksenang iyon. kahit saan. ewan. basta, imagination lang katapat niyan. tsaka sangkaterbang ilusyon.
|
|
|
Post by the_admin on Oct 12, 2006 20:51:10 GMT 8
Oo nga... saang imahinasyon nio nakuha yung mga story niyo??? grabe, nakaka-inlove... tsaka, magkano ba purchase ngbahay sa rancho states?!! parang gusto ko na ring tumira doon... and ano ang pwede niyong ipayo sa mga tulad kong frustrated writer?(hehehe...daming tanong) magkano bahay sa rancho? i have no idea. pero sa tingin ko, pag nag-purchase ka ng property doon, lupa lang. ung bahay, ikaw na magpapagawa. hanep, parang alam na alam ko no?hehehe ako rin gusto ko rin na dun na tumira kasi ganda ng lugar nila talaga. ang linis linis ang tahi-tahimik.may basketball court ng mga guwapo at private school ng mga guwapo rin kasi for the boys lang iyon. hahahaha! ayos no? haaaaaaaayyyy kailan kaya mapapansin ng management ng rancho ang alindog ko? about dun sa payo for the writers, magsulat lang kayo ng magsulat.then kung may mapupuntahan kayong mga workshops, kahit di for romance writing, basta creative writings, punta kayo. makakatulong iyon ng husto para mahasa ang talent ninyong kumbagay, e 'raw' pa lang. tapos, huwagkayong matakot na magpasa ng mga nobelang naisulat na ninyo. ako una akong nagpasa sa isang publication, not precious, nung after graduation ko nung highschool. rejected three times. okay lang. i tried again after five years, sa precious na. rejected uli 2 times naman. pero di ako sumuko. i attended their workshop, thanks to sofia and keene alicante nakumaladkad sa akin dun. tapos, nagpasa uli ako, ayun, okay na.may pera na ako. actually, hanggang ngayon naman ay nare-rejectan pa rin ako. kami pala.kasi kahit si rose tan o cora clemente, even martha cecilia, nagkaka-reject din sila. but they never stopped trying, kaya tingnan mo naman, hayan na sila ngayon. sikat na. kaya kayong mga aspiring writers, hwuag kayong susuko dahil lang sa rejections.mahirap iyon pero it will make you stronger and braver once na tinanggap ninyo iyon. laht naman ng tao nagkakamali. try accepting the fact that youre not perfect and you'll be on the right track soon enough. oki?
|
|
|
Post by the_admin on Oct 18, 2006 17:39:25 GMT 8
Hehehe... lakas nga ng impluwensya niyo sa kin... madami din bang 'melvin' or 'marx' dun??... nga po pala, wala bang story sina christian and alexandra?? if meron, wat po ung title?...tnx Thanks for the payo... sana magkaron ako ng lakas ng loob magpasa... hehehe... immature pa siguro ako kasi i hate rejection...kaya natatakot akong magpasa nung mga ginawa kong novels... ;D di ko sure if may 'melvin' at 'marx' pa sila dun hehehe. tingnan ko minsan. silipin ko minsan. sina christian at andy?meron. tapos na nga eh. kaso di tinanggap ng editor ko.di raw kasi niya matanggap na minsan isang araw e naging bading-badingan si papa christian (dun sa Kissing Miss Wrong). kaya ayun, di nai-publish ang kuwento nila.ia-accept daw niya iyon kung di si christian partner ni andy. e ayoko. kaya ayun, patigasan kami ng ulo.talo ako kasi di naipublish ang story nila hehehe ipasa mo lang iyang novel mo. sayang kasi eh. para mapakinabangan ng lahat. malay mo magustuhan ng mga editors di ba? at kung ayaw ng precious, marami pang publications na naghihintay ng novels mo.
|
|
|
Post by the_admin on Oct 18, 2006 17:47:09 GMT 8
mahirap bang gumawa ng novels??? at magkakaroon kaya tayo ng chance na mameet ang bawat isa lalo ka na ate che??? san mo ba kinukuha yung mga idea mo??? kasi talagang da best laht ng gawa mo eh!!! di naman mahirap gumawa ng novels. ang mahirap e yung mag-maintain ng concentration.minsan kasi,nabo-boring ako sa mga ginagawa ko. at iyon ang pinakamasaklap na mangyayari sa isang writer.kasi ako pag na-bore, kahit matatapos na ako,buburahin ko iyon at start uli ako from scratch.sayang na ang time, sayang pa agn story.kaya kapag tinatamaan ako ng boredom,itinutuloy ko lang kahit pahirapan.kailangan dahil kung uulit ka ng uulit, di ka makakatapos ng novel.and anyway,pag nakalagpas ka na sa part na boring sa iyo,magtutuluy-tuloy na iyon. writer's block? wala ako niya hehehe KATAMARAN ang marami ako. di magsusulat kapag di pa deadline.saka ako maghahapit. di matutulog ng 2days straight.ganyan ko patayin ang sarili ko ehehehe.huwag ninyo akong gagayahin.masama iyon. puwede naman tayong magkita kahit anogn oras eh.kasi ako maluwag agn time ko.basta mag-set lang kayo ng date at time.huwag nyo lang itapat sa araw na wala akogn salapi. kasi pahirapn akon gpalabasin ng bahay nun. san ko nakukuha mga ideas ko? ahm, mejo nasagot ko na ito dun sa profile ko. paki-check na lang uli iyon para di na tayo uulit dito. tinamaan na naamn ako ng katamaran eh. hehehe THANKS MARICON!
|
|
|
Post by the_admin on Oct 18, 2006 17:52:10 GMT 8
ate may tanong din akoh...seryoso to ha......bakit po ba sonia francesca naisip nyo pangalan? pwede nmang lola basyang, pwede ring manunulat akoh......pwede rin miss writer...or di kya akoh-galing-manunulat-kyo-bili-libro-koh............or yung true name nyo...charing biglang nagseryoso...whahahha!!! or kaya ateh ano ang pinakamalaking elepante sa buong mundo.....ay hindi.....who is your crush? .....define love???.......who's your daddy now? ? whahahhahha!!!...pacenxia na ateh...yan lang talagang matinong maiitatanong koh...pilitin koh mang halukayin ang utak koh...yan na tlagang pinaka matino...whahahha!!! ; P connie,kinukulang ka naman sa vitamins ano?sabi sa iyo huwag ka mag-i-skip ng gamot mo e iyan tuloy,kung ano-ano na naman nakikita mo, er, nasasabi pala. hehehe about your question... bakit sonia francesca?si bossing ko pumili niyan. hiningan nila ako ng 3 names nung bago ako magsulat. sonia blade, paola kristina and francesca marie. nirambol ni bossing kaya naging sonia francesca. ayko real name ko. kasi feeling ko,for private use only un.tsaka mabuti na ung may iba akong identity para di ako makilala agad. pa-mysterious. sosyal ako eh. epal pa hehehe. the biggest elephant? i dunno. siguro si grandpa elephant. my crush?at the moment si ryoma echizen. phedophile ako eh hehe waaaaaaaa! yoko na!
|
|
|
Post by the_admin on Oct 18, 2006 17:54:48 GMT 8
bakit ba kahit guest ako dito ay naka-online pa rin ang aking account,pero guest lang naman ako???i cant understands...! salamat ng marami sa pagsagot ng aking katanungan ate che! ;D hehehe walang anoman, avonski!
|
|
|
Post by the_admin on Oct 18, 2006 18:01:09 GMT 8
book launching? sa sm dasma ba walang balak mag buk launching? ang lau ng sm manila... di ko madadala dun un isang box namin na pocket ni ace.. syempre sarap mag pa otograp... baka sarado na sm di pa kami tapos mag pa sign! ;D di ko alam sa sm dasma.pero sabi kasi ni sir bossing, kung saan malakas angbenta ng mga pocketbooks dun ang book launching ng precious.di ko alam kung paano nila iyon nalalaman pero iyon ang sabi nila. isang box???!! aru! bilib na talaga ako sa inyo ni ace. hehehe
|
|
|
Post by the_admin on Oct 18, 2006 18:16:23 GMT 8
tanong kay ate cherie..... *isip-isip!* what kind of porma do you actually wear??? fav. color ng undies...? *hehe!* paano ka mabwisit? nakasapak or nakasampal ka na ba ng tao? weird ng mga tanong ko no? basta try mo ate che na masagot!!! hehehe ang naughty ko talaga!!! porma? depende sa mood ko. pag gusto kong maging pretty girl,siyempre cute na blouse at skirt. pag gusto ko namang pa-sosyal, nice blouse,pants and pointed shoes.pag bad hair day,black shirt,dark pants,at rubbershoes tapos un sira-sira kong black purse lang bitbit ko kahit ang layo ng pupuntahan ko. fav color ng undies?! hmmm, black. di ko rin alam kung bakit.basta marami akong black undies. boyleg cuts, lowwaist, thongs, grandmapanties. basta black. ay, ano ba ito?i-reveal daw ba? paano ako mambuwisit?di ako nagsasalita.un bang kahit nakatingin ako sa kanya e lumilipad naman utak ko.laht ng friends ko, sinasabunutan ako kapag ganon ang mood ko.di raw kasi ako nakikinig. which is true,. hehehe nakasapak sa mukha? hindi pa. pero nakasapak sa braso oo.ung ate ako. nakasapak na rin ako sa sikmura. ung sister ko.pero aksidente lang iyon.sabi niya, nagdilim daw paligid niya. kasi naman umawat siya sa away namin ng ate ako.di ako marunong manabunot eh kaya nananapak ako.tsaka talagang bayolente kasi ako nung bata ako.nag-mellow lang personality ko nang mag-CAT ako nung highsschool. nadisiplina eh. nagtuloy-tuloy na iyon hanggang colege at mas lalo akong naging disiplinado nang magtrain naman ako ng judo at taekwondo. madalang na akong magalit ngayon. kaso kapag tinopak naman ako, pati nanay at tatay ko ilag sa akin. ung sister kong bunso, nagtatago sa banyo.di ako nananakit pero ayaw lang nilang banggain pa ang init ng ulo ko.kumbaga siguro pakunswelo sa akin dahil nga minsan lang ako maglabas ng sama ng loob.ganon. nakasampal? di pa. di uso sa akin iyon. siguro mas type kong manipa hehehe. bayolente talaga. mabait naman ako. kahit sino pa ang tanungin ninyo. huwag lang ipo-provoke kasi nambabali ako ng buto. grrrrrr!!! buuurrrnnniiinnngggg!!!
|
|
|
Post by the_admin on Oct 18, 2006 18:20:34 GMT 8
simple lang ang tanong ko.... bakit sa lahat ng novel mo, walang third party na involved.... simple lang din ang sagot ko. kasi ayoko ng istorbo. naiinis ako kapag may sumisingit na biatch eh. kaya kung mapapansin ninyo, kung meron mang third party, di ko sila pinagsasalita. basta lang nandiyan sila. ewan ko rin kung bakit. siguro kasi mas type kong laging magkasama ang mga bida ko. at kung mag-aaway man, mas cute nga naman gawan ng eksenang magulo ung dalawang bida ko. tsaka...basta,yoko talaga ng mga mga panggulo sa love stories ko. pero nagbabago na ako. sinusubukan ko na ngayon na may third party na girl. sa third party na guy, medyo nagpapraktis pa ako. basta makikita ninyo ang mga iyan samga susunod kong novels na lalabas...
|
|
|
Post by the_admin on Oct 18, 2006 18:21:26 GMT 8
bakit ba kahit guest ako dito ay naka-online pa rin ang aking account,pero guest lang naman ako???i cant understands...! salamat ng marami sa pagsagot ng aking katanungan ate che! ;D the same problem po..!!help please..Newbie here!! thanks!! hello sassa!
|
|
|
Post by the_admin on Oct 18, 2006 18:24:14 GMT 8
galeng mu naman gawa ng novel, bket wula pang BBC 3???!!!! [glow=red,2,300][/glow] thanks shychiq! bbc 3? ahm...kasi ayoko na. er, ayoko pa pala. hehehe may iba pa akong gustong isulat bukod sa bbc kaya kung magkakaroon man ng bbc3,di pa sa ngayon. maybe next year or two years from now. kapag di na sabog ang utak ko. sa ngayon,may mga nakapending pa kasi akong stories at series na gusto kong isulat. tsaka mabuti na rin na wala na munang batch 3 para ma-miss nyo sila. hehehe palalakihin ko muna si Thomas Emmanuel Fontanilla.
|
|
|
Post by the_admin on Oct 18, 2006 18:30:06 GMT 8
hi ate che... tanong ko...... "bakit mo na dinedma mo ang iyong iniirog?pagkakataon mo na yun.....anyway go girl pahirapan mo sya ngaun.. its ur turn...." haheheheheh wla n kasi akong maisip.... miles naman! talagang iniintriga mo ako ha? ikaw talaga. anyway, sige sasagutin ko iyan. bakit ko dinedma? kasi nagsawa na ako sa kanya. isang taon ko rin siyang hinabol-habol. five times ko siyang niyayang lumabas at lahat iyon tinanggihan niya. so i said...'ah, whatthe hell! di ka naman guwapo!'. hahahaha! lahat ng taong kilala ko at kilala siya, nagtataka. lahat sila sinasabing hindi raw 'siya' ang tipo ng lalaking magugustuhan ko. kasi naman, ung first guy na first ko ding love, e kamukha ni jay manalo no. tall fair drop-dead gorgeous macho mabait at kasundo laha tng friends ko. itong isang ito, takot na nga sa tao, di pa ako pinapansin. kaya bahala siya sa buhay niya no. di na ako uli maghahabol. abuso na siya. ang ganda ganda ko...hehehe kaya kayo kapag may gusto kayong guy na ayaw sa inyo, try nyo suyuin., pag ayaw pa rin, sipain na ninyo. theyre not worth it.ngayon pag sila naman ang nagpapapansin, pahirapan ninyo. para makaganti kayo. oki?
|
|
|
Post by the_admin on Oct 18, 2006 18:32:36 GMT 8
ate che bakit ka nagpabangs??? uso ba yan ngayon??? whahahaha!! P wala lang. pauso ko. hehehe tsaka kasi masyado na mahaba buhok ko at mahirap ayusan. e takot pa akong bumisita saparlor para magpagupit kaya para kunwari e may bago sa akin, ginuputan ko sarili ko. and, voila! may bangs na ako. pangit nga lang.hay.
|
|